United States or Christmas Island ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang malaman ni Bonifacio na ang m~ga mayaman at m~ga litaw na pilipino, ay ayaw sa paghihimagsik, siya'y umisip n~g isang paraan na ang m~ga ito'y mapadamay sa paguusig sa m~ga taga "Katipunan". Una, ay nang lalong masugatan ang puso n~g m~ga taong bayan kung makitang pati n~g m~ga mayayaman't m~ga litaw na kababayan ay pinipiit at pinagbabaril, at, ikalawa't higit sa una'y nang sa gayon ay lalong lumagablab ang apoy n~g paghihimagsik.
Salita Ng Araw