United States or Armenia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pagcapalibhasa'y Hari ang nag-utos tanang inutusa'y agad nagsisunod, ang man~ga Dioses at Templo'y sinunog sa lahat nang lupang cay Clovis na sacop. Saca nang mayari naman ang Simbahan ang Haring si Clovis doon ay naglacbay, casama ang lahat nang caguinoohan at siya'y tumangap nang pagcabinyagan.
Pinitang Simbaha'y sa Reynang malining na magagaua nang doo'y manalan~gin, isang batóng marmol ay nagpacuha rin at ipinag-utos na pacalinisin. At doon sa guitna'y ipinaukit niya ang pan~galan nang Vírgen Santa María, nang mayari nama'y ipinalagay na sa guinauang Altar na itinalaga.
Sulat nang mayari ay pinirmahan na saka iniabot ang isang pitaka isang pako't isang martilyo't ang wika'y ang sasabihin ko'y tandaan mong pawa. Ang pitakang ito'y ang iyong gagawin ilapat sa isang haligi ó dingding saka mo pakuan at iyong dukutin at madudukot mo ang yamang ibigin.