United States or Nicaragua ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ako'y nanaog upang bumili ng isang balabal, at sa pagbalik ay wala man lamang ako kahi't sako at may dala pa akong isang taong hubad. Di nga ako katutuwaan ni Matrena. Si Matrena, ay ang kanyang asawa.
Sa ganitong pag-aala-ala kay Matrena ay nagulomihanan si Semel; nguni't paglingon niya sa kasama ay naalaala niya yaong tinging ipinamalas sa kanya mula roon sa simbahan at muling nagdamdam ng kagalakan sa kalooban. Ang asawa ni Semel ay nag-ayos ng bahay na maaga; nagsibak ng kahoy, sumalok ng tubig, nagpakain ng mga bata at kumain pati siya, saka nag-isip.
Ang mga bata ay naglalaruan at nangaghahagaran sa mga bangkong malapit sa mga dungawan. Si Matrena ay nagpapainit ng mga bakal na pambaluktot; si Semel ay may hawak na pambutas; at si Mikhail ay nagtatapos ng isang takong.
Si Matrena, na nakakapakinig ng salitaan ay nakisagot. Sino ka, aniya at sinu-sino ang mga batang ito? Ina ka ba nila? Ako'y hindi nila ina o kamag-anak man; sila'y mga inari kong anak. Diyata't pinakaiibig mong maigi ay hindi mga kadugo? Bakit hindi ko iibigin sila? Pinasuso ko sila ng aking gatas.