United States or Czechia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Naraanan ko ng buong lugod ang mga talatang naglalarawan ng mga "kamusmusan" nina Edeng at Manuel, ang matatamis na sandaling yaon ng kanilang paglalaro ng mga larong ganap na tagalog gaya ng taguan, piko-piko, tubigan, at dumating ako sa mga talatang ang dalawang musmos ay unti-unti nang nangasisipasok sa mapanghalinang "buhay ng damdamin". Pagdating ko rito ay lalong nagulol ang pagkagiliw ko sa aklat kaya't buong pananabik kong sinundan si Edeng at Manuel hanggang sa makarating sa huli.
Nguni't napapalayo ako. Pagbalikan natin ang iyong tanong. Manuel, tanggapin ang tungkos ng mga liham na ito at sa mga iya'y mababasa mo ang aking sagot ... Huwag mong buklatin dito, sa inyong bahay mo na basahin ... ¡Ah! Huwag sana, at kung may tutol ka'y sa ibang araw ka na parito.... Hindi kita itinataboy.
At gayon nga ang nangyari. Nang gabing si Manuel ay umalis sa bahay ni Edeng, na taglay ang tatlong liham, ang ating dalaga'y nilapitan ng kanyang ina: Edeng ani aling Juana ¿Ano ang pinaguusapan ninyo ni Manuel? Wala po ang tugon ni Edeng. ¿Wala? ¿Akala mo yata'y hindi ko naaalaman ang dahilan ng pagparito ni Manuel?