United States or Micronesia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang isa pang totoong cailan~gang maalaman nang man~ga mangagamot, ay ang pinan~gan~galang pulsong matigas, na caya gayon ang tauag doo,i, sapagca cun tumiboc, ay anaqui cahoy, ó tangso, ó cuerdas nang guitarra ang nararamdaman, ó ang hungmahampas sa daliri nang pungmupulso doon. Caya cun ang pulso,i, matigas, cailan~gang sangrahan ang maysaquit.

Cung cailan~gang purgahin, ó pasucahin ang tauo, ay cailan mang panahon mapupurga ó mapapasuca siya; at hindi sucat bacayan ang arao ó ang bagong bouan, para nang guinagaua nang man~ga mangagamot na mangmang, na maraming totoong tauong caauaaua ang inaalsan nila nang buhay, sapagca hinihintay ang gayong arao nang bouan sa pag-gamot sa m~ga maysaquit.

N~guni cailan~gan pacatalastasin nang man~ga mangagamot, na ang guinagaua sa babaying masasactin at mahina na hindi dinaraanan nang bouan, iba sa iguinagamot sa babaying mataba,t, hindi mahina. Ang babaying mataba,t, magaling ang catauan, na biglang dinaraanan nang hindi siya panaugan nang bouan, ó sala ang pagpanaog, ay cailan~gang lumacad arao arao.

Cun mayroong tauo, na lungmalabas ang caniyang tumbong ó pouit, ay pinararapa muna at pinatataas ang pig-yi; saca ang mangagamot ay babasain nang lana ang caniyang man~ga daliri, at ang tumbong ay caniyang ipapasoc sa loob na marahan dahan; pagca napasaoli na sa loob, ay tapalan nang basahang babad sa tubig na pinaglagaan nang balat nang granada, ó duhat ó camachiles, bago talian nang isang tali na may apat na dulo.

Datapoua cailan~gang pacatalastasin nang man~ga mangagamot na cun baga ang babayi na hindi dinaraanan nang bouan, ay may lagnat pang casama, ó nag-uubo, ó binabalin~goyn~goy, ó payat ang catauan niya, ay capilitang alisin ó paual-in muna itong man~ga saquit na ito, bago gauin ang m~ga itinuro co sa párrafong ito nang panaugan siya n~g bouan.

Cun ang buto nang hita,i, lungmingsad sa licod nang may catauan, ay cailan~gang parapain ang maysaquit, at talian ang hita sa dacong ibabao nang tuhod nang isang malapad at matibay na tali. Saca hihilahin ang man~ga tauong catulong sa magcabilang dulo nang tali, at ang mangagamot ay caniyang patatamain ang dulo nang buto sa caniyang lugar.

Bagcus yaong man~ga mangagamot na nagtuturo sa man~ga maysaquit nang man~ga maliliuag, at nang cun anoano ang pan~galan, ay sila ang hindi maalam, at sila rin ang nananampalasan sa buhay nang man~ga tauong caauaaua; at bucod dito canilang pinagdarayaan at pinag-gugulan nang malaqui, bago hindi cailan~gan.

Cun baga sungmasaquit ang tiyan, nang mapurga siya, at hindi nag-iilaguin, ay sumpitin nang tubig na mainit-init na pinaglagaan nang culutan. Ang isa pang tandaan nang mangagamot, na hindi sucat tapan~gan pagcaraca ang purga doon sa bagong pinupurgang tauo, sapagca hindi pa na-aalaman ang nacacayanan nang caniyang catauan. Nota. 1.

F. Jagor, dakilang "naturalista" at maglalacbay na sumulat n~g librong "Reisen in den Philippinen", na ipinalimbag sa Berlin n~g 1873; si Dr. Joest, marilag na "geógrafo" at si Dr. Schiilzer, pantás na mangagamot. Nang taóng 1886 ay natapos ni Rizal ang pagcathâ n~g Noli me Tangere , at n~g m~ga unang bowan n~g 1887 ay ipinalimbag sa Berlín ang sinabi n~g libro.

Cailan~gang maalaman nang man~ga mangagamot na cun minsan mayroong tauo, na hindi man siya lagnatin ay dinaraanan din nang pagsaquit nang alin mang casangcapan nang catauan, na itong pagsaquit na ito ay hindi sungmasala sa caugaliang oras, cundi ang pag-uli ay husay, sa macatouid touing icalauang arao, ó arao-arao para nang saquit na pan~giqui.

Salita Ng Araw

pinag-uusisa

Ang iba ay Naghahanap