United States or Paraguay ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cundi mo sila,i, parisan sa pagdadasal nang marami; cundi mo sila,i, gayahan sa pagsosoot nang carmin, nang correa, nang cordon; cundi mo gauin ang ibang mañga cabaliuang guinagaua nila,i, masama ca nang tauo. Sabihin mo riyan sa capatid mo iyan, na siya,i, magdasal nang marami; magcolacion arao-arao; magsoot nang cilisiong mula sa paa, na hangang sa ulo, at houag maquialam siya sa iyo....

Ang balat lamang ang canilang tinitingnan, at hindi nila inuusisa ang nasacailaliman. At nang sabihin co sa catagang uica: ang mag-asaua ni cabezang Andrés ay sila ang tunay na cahalimbaua nang tinatauag naming manga tagalog na manga tauosa una .

Ayon dito sa utos na ito,i, dinala ñga si Próspero doon sa Balabac, at doon dao,i, namatay, ang balita nang tauo. Sa uala nang magaua si cabezang Angi sa Maynila, ay umoui rito; datapoua,t, bago siya,i, macarating dini, ay nagpalimos sa mañga bayan-bayang dinadaanan niya, palibhasa,i, uala siyang bauon, at uala namang cuartang ibibili nang cacanin.

Ang lahat na naquiquita niya,t, naririñgig tungcol cay Próspero, ay tinitiis niya sa caniyang sarili, at sa Pañginoon Dios inihahain. Sasabihin co na ang lahat sa mañga catagang uica. Ang lagay ni Felicitas sa panahong yao,i, siyang-siya nang lagay nang isang macetas , na hindi dinidilig na nalalanta,t, nalalanta, natutuyo,t, natutuyo at sa calauna,i, namamatay.

Cung anong naquiquita co pong inu-ugali nang aquing ama sa aquing ina, at cung anong inaasal nang magulang co sa aquin, ay siya co pong guinayaha,t, inuugali sa aquing asaua at manga anac at sa malaquing aua nang Poon, ay cami nagcacasundo nang maigui at hindi cami naualan nang aming canin sa ara-arao, mahirap man caming tauo.

Dalaua'i, tali sa paá cagát sa bibig ang isa, saca umalis pagdaca itong lobong encantada. Nagtulóy na capagcuan doon sa ilog nang jordán, nagcataóng nalilibang yaong manga nagbabantay. Isinaloc nanga niya ang daláng tatlóng botella, at lumipád capagdaca ito ngang lobong masiglá. Hinabol na capagcuan niyong tanang nagbabantay, ang lobo'i, napailanláng at di nila inabutan.

Pinagmamasdan siyang maigui nang aming Cura, pati nang ibang mañga caharap doon, na lubhang marami, at naramdaman nila, na madalas na madalas ang paghibic ni Felicitas, at malacas ang tulo nang luha sa caniyang mata, caya lumapit ang Cura, at quinausap si Pili nang ganito: ¡Felicitas, Felicitas! , ang sagot ni Pili. ¿Naquiquilala mo aco? Oo . ¿Sino baga aco?

Gayon man, ay pinipiguil cong maigui ang aquing calooban, at hindi aco nagsalita sa babaying yaon nang isa mang uica lamang tungcol sa humahalungcay nang loob co. Cami, , lamang ay nagbabatian nang ugaling bati nang manga capitbahay, at siya na, .

Ang aquin pong sasabihing ayon sa inaabot nang mababao cong pag-iisip, ay ganito: ang uica ni cabezang Dales. Na tila po,i, ang laman nang mañga sinalita ninyo sa aquin, ay ang houag bagang mag-aral caming mañga indio nang mañga iba,t, ibang naalama,t, pinag-aaralan ninyong mañga castila. Hindi at hindi, ang biglang sagot nang Cura, hindi iyan ang cahulugan nang mañga sinalita co sa iyo.

Datapoua,t, hindi rin natapos ang gulo at paghahablahan , sapagca,t, ang mañga naturan co, na si Capitang Juan at si cabezang Teo,i, hindi pumayag sa capamanhican ni cabezang Angi at sa cahatulan nang aming Maguinoong Capitan, cundi itinuloy nila ang canilang usap sa Juzagado , sa Maynila, at dahilan dito,i, tinauag si Próspero nang isang órden nang Señor Alcalde mayor at inihatid sa Maynila, at doon piniit siyang uli sa bilanguan.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap