United States or Trinidad and Tobago ? Vote for the TOP Country of the Week !
Lalo at lalo ba waring sa puso niya ay nagsisidhi ang maalab na nasa na hwag limutin ang kanilang kahapon ni Leoning na di makatkat sa kanyang puso at alaala. Makailan nang tangkain ng ating binata ang gawang lumimot datapwa't lalo at lalong sa damdamin niya ay hindi malimutan. Hindi malimutan ang lahat, bagkus nananariwa sa kanyang puso na ang mga nakalipas ay gunitain.