United States or Luxembourg ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang man~ga san~ga,i, gangadaliri calaqui, na pagpuputlinputlin at ibibilad nang malauon sampon nang ugat, bago itago sa paliyoc na may taquip na ibibitin sa suloc nang cosina. Itong damo,i, cucunin pag natuyo ang bun~ga. na paraan Ang man~ga dahilan iquinapagcacasaquit nang tauo.

Saca ang man~ga n~gipin ay ungmuuga, at ang man~ga n~gidn~gid ay linalabasan nang dugo. Bucod dito ang man~ga n~gipin ay tila nan~gin~gilo at ga gungmagaspang. Ang man~ga paa cun minsan namamaga; cun minsan ga natutuyo. Ang balat nang muc-ha ay namumutla, at cun malauon ay ungmiitim-itim.

Gayon din ang pag-gaua nang cajelada; dalandan lamang ang gagamitin. Ang timbang anim na butil na palay nang tártaro emético tutunauin sa sangpouong tazang tubig. Ang maysaquit ay paiinumin muna nang isang taza lamang; at cun hindi sungmuca siya cun malauon lauon, ay saca big-yan pa sìya nang isa pang taza, at atuhin cun susuca na caya.

Pagca gayon ay cailan~gang ampatin ang dugo, para nang sasabihin co n~gayon sa párrafong isusunod dito. Babañusan nang malauon ang paa at ang camay nang tubig na malacuco, sapagca ang tubig na malacuco ay nagpapalouag sa man~ga dinaraanan nang dugo, at palibhasa,i, lungmolouag ay malaquing lugar ang mapapaaronan n~g dugo sa paa at sa camay.

Datapoua cun hindi pa mandin ungmuunti ang lagnat, cun masaquit ang ulo at malinao ó hindi lumagay ang maysaquit, ay pararapitan siya sa man~ga binti ayon sa turo sa número 36, at pabayaan doon nang malauon ang parapit; at cun ang lagnat ay malaquing totoo, ay houag pacanin nang anoman ang maysaquit.

Ang pinangagalin~gan nitong saquit ay ang pag-urong nang pauis, ang paglacad sa lupa cun bagong nacaulan at mainit ang arao; ang pagtapat sa han~ging malamig, ang pagbasa, ó ang pag-uiuica ó pagcacanta nang malauon, ang pagtulog na basa ang damit, ó ang pag-inom nang malamig na tubig, cun bagong galing sa init ang may catauan.

Cun malauon na ang saquit, mayroong lungmalabas na man~ga manchang mapulang mapula, para nang quinagat nang pulgas, cun minsan naman sinisibulan sa liig, sa dibdib, at sa tiyan nang man~ga butil na puno nang tubig, na yao,i, masama. Ang maysaquit ay namamatay cun minsan sa icapat, ó icalimang arao. Masama sa saquit na ito ang man~ga bagay na mainit.

Cun ang arao ay mainit, ang man~ga cahoy, ang man~ga bato, pati nang tangso ó bacal man, na nalalagay sa arauan, ay totoong ungmiinit, na cun minsan hindi mahipo nang camay. Gayón din ang tauo cun siya,i, inarauan nang malauon, at lalo pa cun ang ulo ang tinamaan nang arao, nagcacasaquit cun minsan nang malaquing saquit na pinan~gan~ganlang insolación.

Ang nagcacasaquit nang gayo,i, malauon bago lumacas na para nang dati. Dito sa saquit na ito, ay cailan~gang totoo ang magaling na han~gin. Caya n~ga doon sa quinadoroonang silid nang maysaquit ay cailan~gang magsunog na mamisan-minsan nang suca , at ang isang don~gauang parating bucas. Anomang ipaiinom ó ipacacain sa maysaquit ay lalahucan nang maasim.

Cun ang gayong saquit ay bigla,t, malaqui, cun ang pagca guinao ay malauon, at ang maysaquit ay totoong naiinitan pagca nacaraan ang guinao, cun ang ulo,i, nasisira pagcaraca, cun ang may saquit ay nag-iilaguin nang darag-is, ó pinapauisan nang marami; ó cun totoong tuyo ang balat, ó nag-iiba,t, sungmasama ang hichura nang muc-ha, at hindi dungmarahac, ó cun lungmulura, ay dugo lamang ang lungmalabas, ay nasasapan~ganib ang maysaquit.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap