United States or El Salvador ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun mayroong tauong pinurga ó pinasuca, at siya,i, nag-iilaguin, ó sungmusuca nang totoong daming lubha, ó nahihirapan siyang totoo nang pagsuca, ó nang pag-iilaguin, ó cun siya,i, nadedesmayo, ó dinaraanan nang convulsión ó pagquinal nang catauan gaua nang pasuca ó purga, ang magaling ay painumin nang malacucong tubig ó gatas ó azúcar, ó pulot, ó nang tubig, na pinaglagaan nang cebada.

Cun malaquing totoo ang caniyang saquit, ang pagsumpit ay bagay sa caniya. Cun hindi rin nauauala yaong pagsaquit na malaqui, at bucod dito,i, magaling ang catauan nang maysaquit, ay cailan~gang sangrahan. Ang man~ga paa niya itatapat na malauon sa sin~gao nang tubig na mainit bago ibabad sa malacucong tubig; at cun hindi pa natatalo ang saquit, ay parapitan ang maysaquit sa man~ga binti.

Cun maraming dugo ang inilulura nang maysaquit ay cailan~gan doonan nang tali sa ilalim nang tuhod at sa ibabao nang man~ga sico. Ang isa pang totoong galing dito ay bañusan nang malacucong tubig hangan tuhod.

Bubunutin pagcaraca, at hahan~guin sa catauan ang tinic, ó ang tatal, ó ang pana, ó ang bala na nababaon sa laman. Pag nabunot na yaon, ay tapalan ang casangcapang nasactan nang basahang babad sa malacucong tubig.

Ang gagauin lamang doon pagca binibig-yan nang purga ó pasuca, at hindi siya nag-iilaguin ó sungmusuca ay painumin nang isang tazang malacucong tubig, na sinamahan nang asin, timbang tatlong saicaualo sa anim na tazang tubig, at palacarin siya sa bahay.

Cucuscusin nang tuyong damit ang caniyang man~ga paa hangang tuhod, at babañusan naman cun umaga at cun gab-i nang malacucong tubig. Ang caniyang iinuming parati ay ang bilin sa número 71 ó ang sa 75. Houag siyang cumain, cundi gatas nang baca, ó cambing, ó calabao.

Caya cun daanan noong hirap na malaqui, houag big-yan nang man~ga cordial, triaca, castor, ruda, at macacasama bagcus doon. Ang gagauin lamang, ay susumpitin ang maysaquit nang bilin sa número 5, at doroonan nang basahang babad sa malacucong tubig sa tiyan, at sa bay-auang; bucod dito ang guinagauang dati doo,i, itutuloy na para nang dati.

Ang mabuti doo,i, patahanin sa piling nang maysaquit ang man~ga tauong caquilala niyang dati; painumin nang mainit na tubig; ibabad nang isang oras ang caniyang man~ga paa hangan tuhod sa malacucong tubig; at maminsan minsan ay cuscusin ang caniya ring paa nang isang tuyong basahan.

Tungcol sa husay nang maysaquit, cailan~gan ang houag siyang cumain nang maraming carne; saca magin~gat sa alac, sa man~ga mahanghang at sa man~ga mainit; at nang lumaqui ang cabagsican nang mercurio, susumpitin ang maysaquit touing arao, at babañosan arao-arao sa malacucong tubig hangang tuhod. Ang caniyang iinuming parati ang bilin sa número 2.

Salita Ng Araw

lubos

Ang iba ay Naghahanap