United States or United States Minor Outlying Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Parang subyang na dumuduro sa kaibuturan ng kanyang puso ang gayong paghihiwalay. Ilang saglit na lamang at sila'y magpapaalaman. Leoning, huwag sanang magbabago ang iyong damdamin. Eduardo, huwag ka sanang makalilimot sa iyong sumpa. Leoning, aalis na ako. Huwag ka sanang magbabago ng kalooban at alalahanin mo sana akong parati. Eduardo, ipinababaon ko ang aking pagmamahal sa iyo.

At, palad! gayon na lamang ang pagkagalak ni Eduardo pagka't ang tahanang yaon ay katapat ng tahanang kinatitirahan ng kanyang irog: ni Leoning. Pako, at tapat pala nitong inyo ang kanila? Oo, malasin mo ang ganda ng pagkakaayos ng tahanang iyan. Oo, nga kay ganda! At bagama't hindi pa napapanhik ni Eduardo ang kinatitirahang yaon ni Leoning ay gayon na lamang ang kanyang paghanga sa pagkakaayos.

Eduardo hwag mong pahirapan ang aking puso, mahal kita sa lahat. Leoning, ano ang kahulugan ng lahat ng ito? Wala Eduardo, hindi nagbabago ako sa iyo, datapwa nga lamang ... at di naituloy ang sasabihin. Na ano Leoning? Eduardo, iniibig kita at tanging ikaw lamang datapwa't hindi yata kita palad.

At kung ikaw naman ang lumimot dahil naman sa sumpa mong nilimot, bulaklak akong manglalagas sa tangkay. Kaya, Leoning, hwag nating alalahanin ang lahat ng ito. Oo, hwag nating limutin ang sumpaan. Oo, nga at kung limutin mo, dahil sa sumpang nilimot ako ay.... Eduardo ko, ako'y gayon din, bulaklak akong manglalagas nang dahilan sa sumpa mong nilimot kung iyong gawin ito.

Ang pagsisikap niyang yaon ay dahil lamang sa kanyang mutya, dahil sa kay Leoning na kanyang puputungan sa noo ng laurel ng dangal, datapuwa't ngayon ay ano ang nagbabala sa kanyang palad? Ano kaya? Isang ulap lamang. Isang ulap nga, at naglaho lamang ang lahat! Ang lahat! Oo, ang lahat ay wala na, wala na siyang pagasa sapagka't si Leoning ay hindi na niya maalaman kung bakit lumimot.

Karamihan pa naman ay mga kilala't tanyag na mga kabinataan ang nagaagawang siya ang maging palad na makasayaw. Hindi nga kaya ang isang Leoning ay magbago ng loob sa gayong mga pagkakataon at limutin ang isang Eduardo? Mga kilala at tanyag na mga tao pa naman ang waring nagsisipaghagis sa kanya ng mga irap na may kahulogan at ibig sabihin.

Bakit daglian mong nilimot ang dating kasuyuan? Hindi mo kaya nagugunitang dahil sa sumpa mong nilimot ay may isang palad na ngayon, ay sinisiklotsiklot ng bagabag? Hindi mo kaya nababatid na may isang pusong sa mga pasakit, na, natulad sa bulaklak na naunsiami? Leoning, kahabagan mo ang isang palad na tulad ni Eduardo.

Magsalita ka, hindi ka ba naliligayahan? Eduardo ko sukat ng lahat ang iyong sinabi nguni't.... Nguni't nais mo kaya ang kaligayahan ng aking puso. Hindi. Hindi pala Leoning. Kaya sa bisig ko ay bayaan mo ng awitin ko ang katamisan idinudulot ng pagibig. Bayaan mong sa bisig ko ay magduyan ka at sa kandungan mo naman ay maging akong maligaya.

Nalaman niya na si Leoning ay isang babaing nang makayapak sa tuntungang mataas ay naging isang babaing nakalimot ng dating kayumian, nakalimot ng dating kaugalian at nakalimot ng kanyang buhay-kahapon: Naging, pusong salawahan. Hindi kailangan niya ang isang Leoning!

Mapapalad nga at walang dusa: dalawang pusong sa kandungan ng kaligayahan ay umaawit ng tagumpay, nangangarap ng katamisan ng pagibig, ng matamis na pagmamahalan ng puso. Kay palad nga naman! Leoning! Eduardo! Ang mga mapalad na ito ay nagduduyan sa bisig ng maligayang kandungan ng gabing lipus ng pangarap. Kay palad na gabi nga naman noon!

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap