United States or Martinique ? Vote for the TOP Country of the Week !
Serafina ... Serafina ... ang naitugon ni Mauro na hinawakan ang kamay n~g asawa ¡Sawing palad...! ¡Sawingsawi ang kapalarang sinasapit n~g m~ga manggagawa! ¿Bakit? ¿Hindi ba't ang kilusan ninyo ay nagkakaisá? ¡Nagkakaisa!
Huminahon ka, Mauro, at ikaw, sa m~ga nangyayaring iyan, munti man ay walang sala; hindi ka masisisi n~g sinoman, pagka't ikaw sa iyong sarili ay walang magagawa. Kung sa bagay, Serafina; datapwa't di ko lubos na dinaramdam ang magiging palad n~g aklasan namin n~gayon kung matalo man, kundi ang magiging palad n~g m~ga darating na kilusán.
Dinaramdam ko nang labis, na sabihin sa inyo n~gayon, na sa pan~galan din n~g inyong m~ga nabanggit na asawa't anák ni Mauro, ay siya'y hindi maaaring magtaksil sa kanyang m~ga pananalig. Makalilibong nanasain kong dumating ang hinuhulaan ninyong paghihikahós, huwag lamang ang sandaling siya'y matawag na taksil at mamamátay sa m~ga dakilang kilusan n~g m~ga manggagawa.