United States or Azerbaijan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Maaaring sabihin, pagka't siya namang totoo, na ang tanging pinagsumagan ay ang "Kun sino ..." na siyang kahulihulihang lumabas noong mapasakamay namin ang "Florante" nina G. Alfonso Mendoza; at sakali mang nabanggit dito ang palimbag ni G. P. Sayo at ang kay G. De los Santos ng sapagka't kaharap na lamang namin ngayon.

Ikaw ang bahala, ang paagaw na sabad ni Bakokoy, binatak n~g banayad ni Tenteng si Bakokoy at saka binulun~gan n~g wikang: Masama ang pakiramdam ko sa ating Apô-Apông si Kadiliman ginagawâ tayong sangkalan n~g kanyang pagka talipandás, n~g maantilo ni Bakokoy ang salitang ito ni Tenteng, nagalit si Bakokoy, at pagalit na itinanong kay Tenteng kung matutunayan ang gayon; tinanong pa n~g: ¿Patotohánan mo ang iyong sinasabi? na pinag surot-surot ni Bakokoy sa mukha ni Tenteng.

GAPUS. Sa "Kun sino ..." ay "gapos" at kay P. Sayo. Ang "gapus", na katimbang ng "nakagapos", ay siyang tumpak. Sa sinusundang talata, ang katagang "mahapis" ay nakalagay na "mahahapis" kay P. Sayo. Kaya, naging labis.

¿Sino ang naghihintáy?... Siya ang mapaglagalág sa automobil, ang mapagamá-amáhan, ang kataástaásang punò sa Sangkapulúan, na kung bakit sa kanyáng pagdálaw kay Kápitang Memò, ay tinaón yátang talagá ang pangyayáring iyón! Si Gerardo ay nasugátan na namán. Si Kápitang Memò, ay animo'y kinakalambre. Papaáno ang pakikiharáp niyáng gagawin sa kanyáng punò? Kay lakí ngâ namáng kahihíyan nitó!

Gayon ma'y patuloy rin kay Elsa ang kanyang balak; sa bahay n~g kanyang tia Basilia sa San Lazaro patutun~go upang doon, manggising man, ay wala siyang sukat ipan~gilag at masasabi na niyang siya'y hindi muna makauuwi sa Pasay pagka't nagtanan na sila n~g kanyang kairugang lalaki.

"Sa di kawasa, ng akoy'y nagpaalam na kay Angela, at sagutin na niya ng: "Hangang sa Jueves irog ko"; siyang paglapit sa amin ng ina ng guiliw ko at nanglilisik ang matang nagturing na: "Angela, hindi ka na narimarim na tawaging irog mo ang dayupay na iyan?

Ang pinto ng tahanan ni aling Juana ay nakapinid para kay Manuel; subali't bukas sa binatang makikilala natin sa susunod na bahagi at dahil dito'y palaging malungkot si Edeng; sapagka't sa mula't mula pa'y tinubuan ng wagas na pag-ibig kay Manuel, at hindi na wawaglit sa kanyang isipan ang maligayang panahon nang sila'y mga bata pa.

Leoning, ang ilang araw na nagdaan na di natin paguulayaw ay waring sa palagay ko'y kung ilan ng taon para sa akin. Eduardo, marahil ay hindi lamang ang puso mo ang nagkaganyan; ang kay Leoning man. Diyata! Maniwala ka. Anong sarap mong magmahal. Ganyan ka rin naman kaya? Kaya Leoning, asahan mong ang pangyayaring itong di karaniwan ay di ko na marahil malilimot pa.

Para kay Eduardo ay untiunting nagkukupas ang lahat. Kung baga sa bulaklak nalalanta at nalalaing. Ang dating paglingap sa kanya ni Leoning ay parang natulad lamang sa ulap, biglang naglahong paminsanan. Ang dating paglingap ni Leoning ay tulad lamang sa isang pagdadapithapong lumulubog na.

Si Eduardo naman ay isang paruparung nagkapakpak na uhaw sa katamisan ng nektar at bango ng pag-ibig. Ang gabing yaon ay parang isang langit na mabituin at puno ng mga pangarap at pagasa kay Eduardo. Kung pagkuruin niya ay tila siya na lamang ang pinakamapalad at pinakamaligaya sa sangdaigdig. Laging sariwa ang ngiti.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap