United States or Norway ? Vote for the TOP Country of the Week !
Bakit parang kasing bilis ng kidlat na naglaho? Nasaan ang kanyang dating paglingap kay Leoning? Nilimot na kaya niyang lahat? Datidati nga naman agad siyang sinasagot ni Eduardo. Datapuwa't ngayon? Oh! parang ulap ang pagasang siya'y makatanggap ng sulat mula kay Eduardo. Bakit sa apat niyang liham ay wala siyang natatamong kahit isang sagot? Kahabaghabag na Leoning!
Kung iyaagapay sa bandilang Amerikano kailan~gang ito'y maging kasing laki ó lumaki pa n~g kaunti sa atin at mapasa kanan n~g Bandilang Pilipino. M~ga kababayan: Huwag na ninyong ugaliin ang pagbabandila n~g m~ga panyô, tapis o n~g ano mang kayo sa m~ga pistang iniraraos natin, matan~gi sa Bandila natin at bandilang amerikano.
Datapuwa't hindi, si Eduardo ay isang may magandang bukas. Hindi pa lamang dumarating ang kanyang araw, hindi pa lamang ganap na sumisikat ang magandang liwayway ng kanyang palad ... Oo, si Eduardo ay hindi rin naman lubhang kaabaabaan sa harap ng kinatawang ito. May maningning siyang bukas na hinihintay. Siya ay may maningning na pagasang kasing uri ng lantay na ginto. Higit pa marahil sa ginto!