United States or Samoa ? Vote for the TOP Country of the Week !


MAR. ¡Ay Dalmacia! ¿Aling puso n~g may pagsintang anak ang di bubugsuan n~g paghihinagpis at manariwang mulí ang nalalantang puno n~g pighati? ¡Ay amang ama ko! ¿Saan ka naroon? DALM. Marcela, maghusay ka n~ga n~g loob at maala-ala ko pala'y kahapon ay humihiling ka sa akin n~g isang kasayahan, n~gayon ay wala naman maiya-alay sa iyo kundi isang maikling kundiman. MAR. Tunay n~ga ba?

¡ Ave Maria Purísima ! ang pagdaka'y ibinati sa nakapan~galumbabang mestisa, ¡Narito ka pala, ineng! ang dugtong pa. Opo, manang, magalang at pan~giting tugon naman n~g binati, kasabay n~g pagpihit n~g mukha sa kumausap. Kayo po, ¿kumusta naman? Mabuti, Elsa, sa awa't tulong n~g Mahal na Birhen, saka nakipiling sa kinauupang bangko in Elsa. ¿Nakapanood ba kayo n~g m~ga kasayahan kagabi?

Oo. ¡Naku, kay damidaming tao! At nabasa pa tuloy kami sa ulan. N~guni't ... ang kasayahan ay gayon na n~ga lamang; sanggaano mang sigla, ay natatapos din. Wala po naman yatang anomang bagay rito sa mundo na walang katapusan, eh.... Dahil n~ga riyan, kung kaya ako ay walang laging sinisikhay kundi yaong m~ga may kapakinaban~gan hanggang sa kabilang buhay.

N~guni ang hilíng ko'y isang kasayahan na makapapawi sumimot n~g lumbay oo n~ga Marcela't ang lahat n~g iyán sa araw n~g bukas ay magagampanán. N~guni tulutan mo na kita'y lisanin si ama't si ina'y iníp na sa akin at baka ano nang kanilang isipin magmula kan~gina n~g di ko pagdating.

Aywan n~ga ba kung ako ang bukod na natatan~gi sa m~ga mapapalad na iyan.... At minsan pang namalas ni Tirso noon ang talagang pagmumukhang nahahapis n~g diwatang yaong kapatid n~g kasayahan. Ang mestisa't ang makata ay nagkatalikod noong taglay-taglay sa ubod n~g puso nitong huli ang m~ga bagong tibukin....

Datapwa't hindi naglaon ang aking kasayahan. Kami'y lumipat sa bukid dahil sa damdam ng aking ama at noon na na nagsimula ang pagkaulila ko sa lahat ng bagay at ang pagdama ko ng tunay na lagim sa buhay. Naroon na'y ano pa ang gagawin kungdi ang magtiis! At nagtiis nga ako.

Palibhasa'y si mang Alejandro ay kaibigan ng maraming kilalang tao sa Maynila kaya't ito namang si Leoning ay hindi rin nawawala at kasama saan mang kasayahan mapunta ang matandang ito. Paris nga naman nang naganyaya ngayon sa kanila, na, hindi rin napahuhuli kay mang Alejandro. Mariwasa at maraming kumakalansing.

Salita Ng Araw

palomo

Ang iba ay Naghahanap