United States or Uruguay ? Vote for the TOP Country of the Week !


At kung napapako ikaw sa dalita higit pa sa riyan, itong umaaba sa tapat kong puso, at ang bawa't patak n~g perlas mong luha ay timbang n~g buhay kung manaw sa lupa. Dito napahinto't kanyang napanood yaong isang kaban na tan~gay n~g agos, at pinagsikapang iyahon sa pangpang n~g upang matalos na baka may lihim doong natutulos.

Sa tabi ng bintana ay madalas mapatigil ang kanyang pagbuburda na malayo ang titig at waring may malalim na iniisip. Noo'y isang masayang umaga. Walang anoano'y isang autong "Buick" ang huminto sa tapat ng kanilang bahay. Ang autong ito ay galing sa Maynila. Sino ang lalaking sakay? Ang kasintahan kaya ni Leoning? Si Eduardo kaya?

Nang ito'y madinig ni Kadiliman na binangit ni Totong ang kanyang sugat, waring nag dilim ang m~ga panin~gin, na alinsan~ganan at sinabayan nang tindig na waring sumusuling na banak, siya'y napuná n~g isang filosopito na sa kanya'y nakapansin, kaya't tinanong n~g ganito: ¿Bakit namumula ka? Naiinitan ako ang sagot. ¿Sa daming tawong nandito n~gayon, ikaw lamang ang naiinitan?

Kaya't wala na siyang sinikap kundi ang maghanda. Kung baga sa digmaan ay para siyang lulusob. Sa Tundo, kay ligayang pook! Si Leoning ay doon naninirahan at bagama't ang pook na ito ay may kaunting kalayuan sa kanyang tinitirahan ay naging gayon na lamang kalapit para sa kanya. Kung noong una ay di man lang niya kinagigiliwan paroonan, ngayon ay siyang paraiso ng kanyang puso.

N~guni't ang babae ay di papayag sa ganyan, kung hindi niya ibig ang lalaki. Iyan ang tama: walang pagsalang ang lalaki ay siyang hantun~gan n~g kanyang boong pagibig, kaya ganyan ang kanilang laya. ¡Mapalad na lalaki! ¡Mapagsamantala ang sabihin mo! Sa ano't anoman, ay nananaghili ako sa kapalaran niya. Maaari n~gang managhili ka, sapagka't ... hindi si Teang ang kasama mo n~gayon.

Wala ka bang nakakasamaang loob dito? Wala po. Hindi mo na matiyak kung saan nagbuhat ang punglo? Datapwa't ang tanong na ito ay hindi nasagot ng binata. Nakatalikod siya ng tamaan. Samakatwid ay sa kanyang likod nagmula. Nguni't hindi rin naman niya matiyak ng lubusan.

At kung ang madilim na gabing mapanglaw ay lumaganap na doon sa libin~gan't, tan~ging m~ga patay ang nan~gag lalamay, huwag bagabagin ang katahimikan. Ang kanyang hiwaga'y huwag gambalain: kaipala'y marin~gig doon ang taginting, tunog n~g gitara't salterio'y mag saliw, ako. Báyan, yao't, kita'y aawitin.

Sa tuwi-tuwi na ay lalu siyang nahihintakutan, nag-antanda ang magsasapatos at tinaya ang kanyang kalooban kung uurong o tatakas. Kung siya'y lapitan ko, dinidilidili niya di malayong ako'y mapahamak. Ano kayang tao ito? Tila mandin masama; dadaluhungin ako at ako'y hindi maliligtas. Kung hindi man ako patayin ay hahalayin ako.

"Puff! Mga pangárap!" ang sabád ni Kápitang Memò, at muling kinamot ang kanyáng tuktók "mga malíng pangarap! Oh! hanggáng saán nakikilálang ikáw ay bát

Bago pa naman umalis ang nagsusukab na asawa ay nagiiwan pa sa kanya ng mga halik sa noo, ang mga maamong mata ay mapungay na itititig sa kanya, ngingitian siyang waring nagaalay ng pagmamahal na lubos namang lalong nasasabik ang kanyang puso. Kadalasang bago manaog ng tahanan ay sinasabi sa kanyang: Hanggang sa muli, hanggang mamaya, Daniel. Ako lamang ay pupunta sa kina Fely.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap