United States or Malaysia ? Vote for the TOP Country of the Week !
¿Ang iba mong kasamahan? ang wari'y sagot na tanong din ni Pablo. ¿Bakit mo sila iintindihin ? ¡Di bayaan mo sila! Ang bawa't isa ay dapat humanap n~g kanyang sariling kagalin~gan; kanikanyang hanap at pagsisikap ... ¿At ang aming sumpaan? ¿At ang aming ...? Walin mong kabuluhan ang saló agad ni Pablo.
Bakit sa harap ng halakhakang yaon ay hindi siya makipagngitian? Kaya sa ganyang anyu ng binata ay may isang kaibigang lumapit sa kanya at sinabing: Eduardo, waring ang loob mo ngayon ay nagiging matamlay? Bakit, bakit ang mga sandaling paris nito ay iyong pinararaang tila ba walang kabuluhan? Pako, hwag mong pagaalahanin ang ganito para sa akin. Walang anoman Pako.