United States or Guadeloupe ? Vote for the TOP Country of the Week !
At sa pagca't ayaw ipabaríl ni General Blanco ang bawa't sa canya'y iudyoc, ang m~ga fraile't m~ga castila'y nagagalit n~g dî ano lamang sa canya; ito ang dahila't nan~gagalác n~g mainam n~g mahalili si General D. Camilo Polavieja, sa pagca't talastas nilang pasasasaân silá nitó sa dugô n~g m~ga filipinong canilang totoong kinauuhawan.
N~g na sa pagbabarilan na si Rizal, siya'y nakiusap sa capitan n~g infanteríang mag-uutos sa m~ga sundalo sa pagbaríl sa canyá, na siya'y barilín n~g paharáp. Hindî mangyayari ang sagót n~g capitan ang útos sa akin ay ipabaríl co cayó n~g patalicód. Aco'y hindi naglilo sa tinubuan cong lupa at di rin aco nagtasil sa naciong castila ang tutol ni Rizal.