United States or Uruguay ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang sagót ni doña Juana may lumbay rin acong dalá, at aquing maiiuan pa bunsó cong si Leonora. Nariyan sa cabila naman ang siyang quinalalaguian, may alilang nagtatangan isang serpienteng matapang. Ani don Juang masiglá dito ay iiuan quita, at paroroonan siya capatid mong Leonora. Lumacad na nagtuluyan itong príncipeng matapang, doon sa icalauang bahay sa mata'i, nacasisilao.

Cun icao'i, dumating diyan sa reinong paroroonan, tunay na icao'i, iiuan sa labás nang caharian. Icao naua'i, malimutan nang príncipeng si don Juan, at icao ay pabayaan sa iba siya pacasal. Sa masamang capalaran itong hari'i, nagcadamdam, sa dalamhati at lumbay ay siyang iquinamatáy. Ito'i, lisanin co muna ang namatáy ay anhin pa, ang aquing ipagbabadyá si don Juan at princesa.

N~gayon cami dito ay inyong iiuan at di na babalic at pababayaan, paano ang aming man~ga calagayan mabubuhay caya na sa cabunducan. Nanglaglag ang luha ni Juan sa matá sa tinurang yaon anác niyang dalua, cayo ay houag na mag-ala-ala at di malalauon babalic pagdaca.

Salita Ng Araw

maghimagsik

Ang iba ay Naghahanap