United States or Curaçao ? Vote for the TOP Country of the Week !


Caiin~gatan mo, Feliza si Honesto, houag ipahintulot na maquisama at maquipagibigan sa capoua batang masama, sapagca, cun may caunting bait na inin~gat, utang sa pagcacalin~ga ni ama,t, ni ina, masisira, cahina hinayang, sapagca,t, cun ano ang maquita sa capoua bata, ay siya ang gaguin.

Cay ama at cay ina, humahalic aco sa camay. In~gatan cayo nang Pan~ginoong Dios. FELIZA: Alinsunod sa sinabi co sa iyo na aco,i, magpapadala nang reglas sa pagsulat, ipababasa mo cay Honesto itong m~ga casunod.

Cun matutong maquipagcapoua tauo,i, magpapacailag sa quilos, asal at pan~gun~gusap na macasusucal sa mata nang iba, at di man cusain, ay calulugdán at iibiguin nang lahat. Ipagcaloob naua nang Dios na matandaan at itanim sa dibdib ni Honesto itong maicling hatol na isinulat co sa iyo, at nang malagui sa pagibig sa Dios, at matutong magpacamahal sa asal. Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.

Cun ang sinusulatan ay papel de esquelas , ang fecha ay ibaba nang firma, at dacong caliuá. Ang cumatcat nang letra sa sulat, ay nacarurumi sa papel at nagbabansag nang di carunun~gan. Salamat Feliza, at ang man~ga sulat ni Honesto na ipinaquita mo sa aquin, ay malilinis, at alinsunod sa reglas nang arte. Gayon man, tingnan nang capatid nating bunso ang regla sapagsulat na ipadadala co.

Feliza, turuan si Honesto nang matutong maglagay sa sulat nang man~ga notas ó tanda. Ang man~ga notas ay ito: Coma (,): Punto y coma (;): Dos puntos (:): Admiracion (!); Interrogacion (?): Paréntesis (): Puntos suspensivos (::::): Etcétera ó Etcétera (&c.): Acentos

Cun ang dinadalao ay maquita na may gagauin, cacain ó aalis caya, ay houag aabalahin, at ang catampata,i, magpaalam. Cun sa iyo at ni Honesto ay may dumalao sa oras na di ninyo ibig, ó cayo caya,i, naaabala ay houag magpahalata na ibig na ninyong umalis ang panaohin at cun magpahalata man ay binian.

Si Urbana cay Feliza . MANILA ... FELIZA: Itong man~ga huling sulat co, sa iyo, na may nanucol sa calagayan mo, at ang iba,i, aral cay Honesto, ay ipinaoonaua co, na di sa sariling isip hinan~go, cun di may sinipi sa man~ga casulatan, at ang caramihan ay aral na tinangáp co cay Doña Prudencia, na aquing Maestra: at siyang sinusunód sa escuela namin caya ibig co disin, na sa ating man~ga camaganac, sa man~ga escuela sa bayan at man~ga barrio, ay magcaroon nang man~ga salin at pag aralan nang man~ga bata.

Caiin~gat si Honesto sa pagiibigan, malasin cun sino ang pinagcacatiualaan nang caniyang puso; tingnan cun tapát na loob, mahal na asal, may pinagaralang bait, marunong sumaclolo sa arao nang panganib at cun maquita niya itong may man~ga halagang hiyas saca naman ipagcatiuala ang caniyang loob.

Sa man~ga sulat ni Feliza cay Urbana, na ang saysay; ay ang magandang asal nang capatid na bunsó na si Honesto, macapagaaral ang bata, at macatatantó nang caniyang catungculan sa Dios, pagcatanáo nang caliuanagan nang canilang bait. "Paombong" ang saysay: sa pagca,t, siya ang unang bayang pinautan~gan nang pagod.

Ang cahuloga,i, cun ang casamahi,i, may bait, ay bait naman ang matutuhan nang bata, at cun masamá ang casamahin, ay masamá rin naman ang matututuhan. Cun si Honesto na sa lansan~gan, ay houag mong tulutan na maglalaong lubha, maquiquipagpacial sa batang ualang bait, at nang houag masira.

Salita Ng Araw

palomo

Ang iba ay Naghahanap