United States or Brazil ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa cawacasa'y lumabás si María Clara sa páliguan, casama ang canyáng m~ga caibigang babae, saríwang túlad sa isáng rosa sa únang umágang pamumucadcad na numíningning ang hamóg na ang cawán~gis ay kisláp n~g diamante sa caayaayang ulbós n~g bulaclác. Inihandóg niya ang únang n~gitî cay Crisóstomo, at naucol ang únang pagdidilím n~g canyáng nóo cay párì Salví.

Bawa't puso ay waring nalulugod, bawa't diwa ay nasisiyahan sa idinudulot ng magandang panahon! Ang mga bulaklak na waring mga nagsisibukad dili ay tila, mga nakangiting lahat dahilan sa patak ng biyayang hamog na siyang nagpapasariwa. Ang dahon ng kahoy na mga nalalanta at tuloy na mga nalalaing ay parapara bang nagsisipanariwang lahat, na nanauli sa dati.

Sa kandungan mo ay bayaang mangarap ang puso kong uhaw sa hamog ng iyong pagmamahal. Eduardo ko! At hindi na natugon ang tawag na ito ni Leoning at sa kanyang mga labi ay isang halik ang naiganti ng binata. At ganap na naghari ang katahimikan. Sa bisig ni Eduardo ay waring naghehele si Leoning, nangangarap, nalulugod ang puso.

Romeo ang caniyang malambing na sagot aniya, "sa silid mo magtuloy cung tulot aco'y macacanlong sa guinao at hamog tahimic pa quitang ualang caba't tacot." Sa pagayong hiling Julieta'y dinamdam naapi ang budhi't ang dib dib sinicpan, naurong sa layo't ang mata sa hirang tila baga ibig lihim pa'y hanapan.

Leoning, balintuna ang iyong hinagap. Alalahanin mong sa kaibuturan ng puso ko ay isa kang bulaklak na pinakakaingatan at laging dinidilig ng aking pagmamahal. Eduardo, marahil ay malilimot mo rin ang lahat ng iyong mga pangungusap. Kung nasa piling mo na marahil ang magagandang bulaklak sa Maynila, na, pugad ng mga pusong uhaw sa hamog ng ligaya ay lilimutin mo na ang lahat ng ito.

Waring dala ang mababangong halimuyak ng mga sariwang bulaklak na nagsisipamukadkad sa mga sariwang halamanan na pinapatakan ng hamog kung nagdadapit-hapon. Pati mga ibon ay waring mga nananahimik na noon, na, nangagdapo sa sanga ng kahoy.

Dalawang pusong sa kaliwanagan ng buwan ng gabi ay maligayang nagduduyan sa katamisan ng pagibig. Dalawang pusong umaawit ng tagumpay na walang nakamalay.... Kay palad na mga puso! Oo, kay palad sapagka't ang katamisan ng pagmamahalan, at katamisan ng pagsusuyuan ay nasamyo nilang boong laya, nasamyong tulad sa bulaklak na sariwang humahalimuyak na hinahalikan ng hamog.

Huwag kang magalapaap ng loob. Eduardo, manalig na kaya ang palad ko? Manalig ka Leoning ko. Isinusumpa mo. Tunay. Hanggang.... Hanggang libingan. Anong tamis nga naman ng dalawang pusong naguulayaw at nagmamahalan? Anong ligaya ng dalawang pusong ang katamisan ng pagibig ang siyang naghahari? Ang hamog ng pagibig! Kay tamis sa dalawang puso!

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap