United States or Lithuania ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cúlang na lamang ang pasiya n~g gobernadorcillo. Ito'y nagpapawis, hindî mápacali, hináhaplos ang noo at sa cawacasa'y nasabi n~g pautal-utal, na nacatun~gó: ¡Acó ma'y sang-ayon din!... n~guni't ¡ejem! Hindî umíimic ang boong tribunal n~g pakikiníg sa canyá. ¿N~guni't? ang tanóng ni capitang Basilio.
Naupô ang gobernadorcillo sa sillóng nacalagáy sa ibabâ n~g larawan n~g harì, macaapat ó macálimang umubó, hinaplós ang úlo at ang mukhâ, inilagáy ang síco sa ibabaw n~g mesa, inalís, mulíng umubó at gayón ang paúlit-ulit na guinawâ.
Samantalang hiníhintay nilá sa isáng maliit na bahay, na na sa labás n~g báyan ang pagdatíng n~g Capitán General, itó ang sinasabi n~g Gobernadorcillo: Hindî n~gâ bágay na magaáng sabíhin cung síno ang may catuwíran at cung síno ang walâ, datapuwa't cung nacapagmunimuni sána si guinoong Ibarra....
Salita Ng Araw