United States or Cyprus ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nagcacasaquit din nang ganitong saquit ang matamaring cumibo, ang hinica, ang nan~giqui, ang nag-ilaguin nang malacas, at ang inurun~gan nang galis, buni, ó nang sa bouan bouan cun baga babayi. Caya ang pag-gamot doo,i, maliuag; datapoua cun minsan ay gagaling ang maysaquit cun talaga siyang gagaling capag sundin niya ang man~ga ituturo co n~gayon.
Ang dahilan nang saquit na ba-balingtamad ay ang pag-inom nang alac na marami, ang pag-urong nang pauis, ó pinacataib nang catauan, ang paglacad cun gab-i, ang han~ging malamig na may casamang ulan, at ang calaputan nang dugong mainit. At cun hindi paual-in muna itong calaputan, ó cainitan nang dugo, hindi lilitao uli ang pauis. Cun minsan itong saquit ay casama nang escorbuto ó nang pan~giqui.
Salita Ng Araw