United States or Isle of Man ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang magkahiwahiwalay ang dalawang pangkat, ay dalawa ang may sugat sa bisig at dalawa naman ang nakatimbuwang na naliligo sa sarili nilang dugo ang nakita n~g lahat. Si Mauro at isa pang kasama nitó ay siyang may m~ga sugat sa bisig at ang dalawa namang nakatimbuwang ay dili iba't sila Gervasio at Pablo, na kapwa may sugat sa dibdib at sa mukha....
Oó; ¿anó ang ibig mong gawin? ang may pangdidilat pang tugón ni Pablo. Wala ani Mauro pa rin n~g boong kalamigan. Subali't, ¿anó ang dahil at ako'y tinawag mong ulól? Sapagka't ibig namin ang tugón naman ni Gervasio Ulól ka n~ga at sampu n~g iyong m~ga kasama ang sigaw pang muli ni Pablo.
At si Gervasio ay pilit na sumuko; sa haráp n~g dalawang tuksó ay wala na siyang magagawa. At saka naaalaala n~ga rin niya ang gipit nilang kalagayan sa pamumuhay, sa gitna n~g malawak na dagat n~g buhay at sa gitna n~g naglalakihang daluyong n~g kasaliwaang palad.
Sa gabi rin n~g araw na yaong makausap siya n~g may Pagawaan ay nagsadya na siya sa bahay n~g hihikayatin, at taglay sa puso ang malaking pagasa sa tagumpay ay walang kimi ni pagaalinlan~gan ipinabatid kay Gervasio ang kanyang layon, sa pamamagitan n~g m~ga tiyakang pan~gun~gusap at hindi maligoy na pagsasalaysay.