United States or Rwanda ? Vote for the TOP Country of the Week !


Manan~ga'y tumahimik na n~ga siya't kanyang pagaralang pawiin sa alaala ang pan~gala't larawan n~g babaeng bumitay n~g kanyang magandang pagasa. Samantala, sa isa sa m~ga bulsa niya ay laging hindi nahihiwalay ang sulat ni Elsa na kinalilimbagan n~g isang pagibig na walang kapantay sa karubduban. Ang pagibig na iyong sa kanya iniuukol ay hindi nakakikilala n~g pagmamaliw.

Datapwa't hindi naman nangyari, palibhasa ay panunod nang nagsilabas noon din sa pintuan n~g tindahan ang m~ga lalaking kinaringgan n~g gayong salitaan. ¡Si Elsa at si Silveira sa hotel sa ganitong oras! ang pakagat-labing nasambit ni Martinez. ¡Ah, talagang ang kapalaran ay kanila na! Kaya dapat na tayong magpugay sa kanila, ang wika naman n~g manggagamot.

¡Walang iba kundi ang mestisang kaluluwa at buhay n~g m~ga sayawan dito't n~g alinmang malalaking piging at pagtatao! ¡Ah! ¿Ang mestisang nakita kong minsan sa lamayan n~g "Aklatang Bayan"? ¡ Balu ku na ketang misterio ! Subali't ang m~ga patilanduya'y hindi humangga sa pagkabatid na si Elsa Balboa ang nagukol n~g magandang handog na iyon kay Tirso Silveira.

Nagunita ni Elsa na ang lalaking yaon na kinahahabilinan noon n~g boo niyang puri ay may kinabibighaniang ibang alindog: si Teang.

At yamang nalalaman niyang gayon, ay kautan~gan na naman niya ang gumawa n~g tanang marapat gawin, upang maiwasan ang bumabalang kapariwaraan. "...At ang tao ay nalikha na may isip na kasama" ang narinig niya sa isang tula ni Tirso. At ang isip na iya'y nakay Elsa: kinakailan~gang gamitin niya sa lahat n~g bagay at sa lahat n~g pagkakataon.

Maraming balak ang nagdaan sa panimdim ni Elsa tungkol sa hinaharap n~g kanyang palad.

Kung si Elsa ay maiiwan, ay sapagka't gayon ang kanyang pinakikunang hilin~gin sa kapatid at hipag, at di umano'y ayaw siyang tantanang hindi isabay sa pagparoon n~g ilang binibining masdaraan sa kanyang bahay sa gabing iyon. At ang gayo'y kanyang binalangkas, upang madulutan n~ga n~g kasiyahan ang m~ga mithi n~g kanyang kaluluwang lihi at isinilang sa biyaya n~g kaligayaha't tamis n~g buhay.

Sa ganang akin, kahi't natuturang madilim na ganyan ang gabi, kung ganitong kasama kita, kasarilihan sa laot n~g katahimikan at lin~gid sa mata n~g m~ga makasalanang tao, ay ... kalabisan na lamang ang liwanag n~g iba pang ilaw. Mistulang nasusian ang bibig ni Elsa.

Kung linggo n~g hapon, si Elsa ay masigla ang katawang nagsasadya sa Luneta, at doon, kaabay n~g makata n~g kanyang m~ga pa~ngarap, ay nagyayao't dito sa lahat n~g dako, samantalang ninanamnam n~g kanyang kaluluwa ang nagpapainamang tugtugin n~g banda n~g Konstabularia na nagiging marapat sa dilang paghan~ga.

Nagumurong pa muna sa m~ga tabi n~g bakod na parang tumututol sa m~ga hampas na tinatanggap sa kutsero bago pumayag na bumalik n~g lakad at muling tumakbo. Nang makapihit ang sasakyan ni Dr. Nicandro at ni Martinez ay di na nila mapagsiya kung alin sa tatlong kalesang nagpapatulinan ang kina Tirso at Elsa.

Salita Ng Araw

pinag-uusisa

Ang iba ay Naghahanap