United States or United Kingdom ? Vote for the TOP Country of the Week !


¡Hindi! ang tanggi n~g makata. Nagbibiro lamang itong si Elsa. ¿N~guni't hindi mo ba natatandaan, Dioni, kung sino ang kasama n~g maginoong ito noong minsang makita natin siya sa salon n~g "La Perla"? ¿Si Teang na inaanak n~g tia Basilia? ¡Wala pong iba! ¡Aha!... At ang lalaki ay manawanawang pumakli: Magpaniwala ka, Dioni, kay Elsa ay kung saan ka tuloy dadalhin nito....

N~guni, ang totoo, si Elsa n~ga ay madali nilang napanibaguhang malungkot noon at siya rin namang kaagad ibinulong n~g hipag na si Dioni at ipinagbilin pang huwag pagpapansinin pagka't walang anoman. Kaya, ang isinagot na lamang n~g isa sa kanila'y: Kung ganyang ikaw ay may dinaramdam na kalungkutan, ay ibig naming makiramay sa iyo, Elsa.

Tumagaltagal din ang salitaang iyon n~g dalawang maghipag na kapwa sinasakbibi n~g dalamhati ang m~ga puso. At hindi nagkawakas ang hinikbihikbi n~g isa't isa sa kanila, kundi nang marinig nang tumatawag buhat sa hagdanan ang kapatid ni Elsang asawa ni Dioni.

¡Ang lalaki n~ga naman! ¡kailan ma'y lalaki rin! ang parinig ni Elsa. ¡Mangyari pa! Gaya rin naman n~g katotohanang ang babae ay babae rin kailan man, isinaklaw ni Tirso. Datapwa't hindi ang lahat ay may hilig sa ganyan.... Humigit-kumulang ay parisparis na kayo, ang sabad ni Dioni. Mayroon din naman sa aming kalaban n~g ganyang ugali. Halimbawa: ako.... ¿Ikaw? Oo.

Datapwa, pagkapuna n~g mestisa sa, gayong paguulikulik n~g makata ay siya ang unang humudyat na magpakilala, saka pagkatapos ay ipinakilala rin kung sino ang kanyang kasama. Si Dioni iyan, ang sa paimpit na tinig ay ibinulong. Saka bumaling sa hipag at sinabi: Si Tirso ito.... Nagyao't dito muna ang tatlong magkakasama sa magkabikabilang panig n~g siyudad na pinanaganaan n~g liwanag.

Dahil sa gayong ginawang pagliham sa makatang hinihinala na n~ga niyang namamalakay sa bahay na iyon, ay maliwanag na nadama niya ang kaselanan n~g m~ga sandaling tinatawid n~g kanyang hipag, palibhasa siya man, si Dioni, nang magdaan na sa mapan~ganib na katayuang paris niyon, ay gayon ding pagsulat kaagad ang ginawa, pagsulat na siya tuloy ikinabunsod na maaga n~g kanyang pagaasawa sa kapatid ni Elsa.

At sukat ang gayong pagkagalit niya, upang ako ay huwag nang bilan~gan n~g maraming araw sa tahanang ito.... ¿Saan ka paroroon? Aywan, Dioni, at ang lalaking puno at dahil n~g ganitong napagsapit ko ay akin nang sinulatan n~gayon. ¿Sinulatan mo si Tirso? Oo.... ¿At sa anong bagay? Bagay sa nararapat niyang gawin upang ako ay mahan~go sa ganitong kapulaan....

Si Dioni namang may likas na mababang luha na madaling dumadamay sa sinomong dinaratnan n~g ligalig sa buhay, ay maghapong halos ayaw umalis sa kusina na wari bagang walang pusong maitatagal kung makarating sa kanyang m~ga pangulinig at mamalas n~g kanyang m~ga panin~gin ang tinan~gistan~gis n~g kanyang magandang hipag.

Napamata na lamang si Dioni, pagkarinig sa ganitong pahayag n~g mestisa. Ang m~ga unang kutob n~g loob niya hinggil sa gayo't ganitong maaaring maging katuturan n~g kilusa't palagayang malimit niyang mapuna sa hipag niya't kay Tirso, n~gayo'y hindi kutob lamang kundi isang katotohanan nang pinatitibaya't siyang inaamin n~g kanyang kausap.

Sa katotohanan, nang tagpuin sila n~g tinukoy na makata noong ikatlong gabi n~g m~ga pagdiriwang sa kaharian ni Momo, ay saka lamang napaguwiuwi, ni Dioni ang bagay at sanhi n~g m~ga kilos na kanyang napapanibaguhan sa kanyang hipag.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap