United States or Western Sahara ? Vote for the TOP Country of the Week !


At nagkamayan ding mahigpit ang dalawang magkaagaw kay Leoning: si Eduardo at si Daniel Perez palibhasa'y ang gayon ay kaugalian na ng lahat. Datapwa't ang ginawi ni Leoning upang hwag mahalata ng kanyang kaibigang Ester at saka ng bago niyang kasuyuan ay iniabot ang kanyang kamay sa binata at nagbigay-galang: Eduardo de la Rosa, ang aba ninyong lingkod na mapaguutusan ng kaya.

Ss. Praxedes bg., Daniel mh. at Julia bg. at mr. 22 Sab. Ss. 23 Linggo. Ss. Apolinar ob. at mr., Liborio ob. kp. at Primitiva bg. at mr. 24 Lun. Ss. Cristina bg. at mp., Francisco Solano kp. at Victor mr.

Ano kaya ang kahulugan ng mga pangyayarin yaon...? Sadya kayang ipinakilala ni Leoning si Daniel Perez kay Ester upang kasayawin at makasayaw naman niya si Eduardo? Aywan natin. Ang pagkakataon nga naman! At ngayon ay minsan pang nagkatagpo ang dalawang pusong waring nagkalayong maluwat. Datapwa't ang lahat nga para kay Eduardo ay waring nagiiba.

Wala man lamang kaba ang dibdib ng asawang nagtataksil, at hindi man lang nagkaroon ng kutob ang loob na si Daniel ay kasunod niya at siya ay sinubukan. At, sa paglalakasloob na yaon ni Leonora ay hindi niya namamalayang kasunod ang asawa. Ang pagpanhik na lamang na iyon ni Leonora sa tahanan ni Eduardo ay kung ating pagbibigyan ng kuro kuro at pansin ay waring sariling tahanan ni Leonora.

Paglimot ang tanging lunas ng isang damdaming pinagpupuyusan ng hinanakit. Limutin ng isang pusong sinawi ng kapalaran sa pagibig ang kanyang kinamtang palad. Iyan nga lamang ang mabisang lunas: limutin niya ang lahat. Kaya sa pagiisa ni Eduardo ay walang nagawa kundi ang pahayagang kanyang kinabasahan ng ukol sa pagiisang dibdib ni Leoning at ni Daniel ay tila halos kuyumusin.

Ang binatang ito ay tumutugon sa pangalang Daniel Perez, na ngayon ay naninirahan dito sa siudad. Siya'y isang kilalang mayaman sa Kabisayaan. Daniel Perez, iyan, iyan, ang kalaban ni Eduardo sa pagibig kay Leonora. Ang pagibig nga naman ni Leoning! Ang pagibig ni Leoning ay parang natulad sa bula lamang sa gitna ng tubig na biglang nawala.

Salita Ng Araw

pinag-uusisa

Ang iba ay Naghahanap