United States or Northern Mariana Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun itong saquit ay casama nang ibang cólico, ay ualang sadyang pag-gamot dito, sapagca cun gamutin ang totoong saquit; ay mauauala pati itong isa. Datapoua cun ualang ibang casamang cólico, ang gamot doo,i, ganoon. Ang maysaquit ay sinusumpit, at quinucuscos ang caniyang tiyan nang mainit na damit; magaling namang painumin nang tubig na pinaglagaan nang manzanilla.

Inibig ni Elsa na tumakbong magtago o magtun~go sa may sisidlan n~g damit, datapwa't ang kanyang m~ga paa'y hindi naian~gat sa pagkakayapak sa ibabaw n~g tabla. Si Tirso nama'y nagtangkang manaog na walang paalam upang makaiwas sa gayong napakatuksong pagkakataon.

Si Tirso, panggagaling sa paaralan ay nagdudumaling nagsuot n~g kanyang damit Pierrot na lungtiang magulang at yari sa sutla, may malalaking botones na dilaw sa m~ga manggas n~g baro at laylayan n~g salawal, saka may nagbiting bembe sa paligid n~g kanyang leeg; at han~gos nang nagabang sa isang pook sa loob n~g siyudad, alinsunod sa itinipan n~g mestisa sa araw na sinundan.

Madali't, salita bagá ay hahaba ang historia, ang lingo'i, nang dumating na gumayác na ang princesa. At sa singsing nganing mahal na caniyang iniingatan, ay humingi capagcuan carrosa niyang sasac-yán. Humingi rin naman siya nang damit emperadora, sa arao na yaón bagá ay lumitao capagdaca. At tambing nangang nagbihis niyong damit emperatriz, lalong nagningning ang diquit serafin mandin sa langit.

Sa ermitañong maquita ang damit na mahalagá, pinalapit nanga siya at quinuha capagdaca. Pagca-abót ay hinagcán at caniyang tinangisan, at ang uicang binitiuan calunos-lunos paquingán. Si don Juan ay nagtacá sa ermitañong naquita, lumalo pa nga sa isa dalang catandaan bagá. Ang balbás niya sa baba ay sumasayad sa lupa, balahibo'i, mahahaba mapuputi namang paua.

Ang man~ga basahang babad sa tubig na pinaglagaan nang bulaclac ó dahong mura nang culutan. Ang man~ga supot na munti na sinisidlan nang bulaclac ó dahong mura nang culutan ó alagao ó manzanilla, na inilalaga muna sa tubig ó gatas. Yaon ding man~ga bulaclac ó dahong murang yaon, na luto sa tubig ó gatas, na inilalatag sa damit bago itapal.

Maging sa bahay ma't maging sa lansan~gan ay huag mong limutin ang panyong alampay: alampay ay siyang tabing na tangulan n~g dibdib-mu't batok sa mata n~g bayan. Kalsonsilyong puti na hahangang tuhod ay dapat gamiting damit na pangloob, ang puri mo'y upang di sumabog-sabog sa m~ga hagdana't lilipatang bakod.

Salita Ng Araw

pinag-uusisa

Ang iba ay Naghahanap