United States or Switzerland ? Vote for the TOP Country of the Week !


"N~gayó'y páparoon cayó ni Isabel at icáw sa beaterio, at n~g cunin ninyó roon ang iyóng m~ga damít, at macapagpaalam ca sa iyóng m~ga caibigan; hindî ca na papasoc ulî roon.

Ang cataua'i, hinipo na at hinilot nanga siya, gumaling na capagdaca at siya'i, nacatindig na. Hayo't, lacad na don Juan moui ca sa caharian, di pa gumagaling naman ang haring iyong magulang. Lumacad na at umalis itong príncipeng mariquít, lagay ay cahapis-hapis damit pa ay punit-punit. Nang dumating nga siya sa palacio'i, nagtuloy na, sa haráp nang haring amá at lumuhód capagdaca.

Sa gayong catanda ay lubhang masiba, laguing nagbubuncal siya sa cusina, nagdadahandaha,t, baca mahalata nang man~ga casama na capoua alila. Ualang quinausap na di nacaauay, ang balang maquita ay pinipintasan, damit sa cataua,i, mistulang basahan at n~gun~guyan~guyang parang camatayan.

Cun baga pólvora ang nacapaso, ay mabuti lahiran ang napaso nang dugo nang manoc na munti, at saca tacpan nang damit; ang gatas nang babayi ay maigui ring ibasa doong parati; ganoon din ang maputing gabi cun calusin, at samahan nang lana, at itapal sa masaquit, ay nacaguiguinhaua sa may catauan.

Ang pagcasangra sa maysaquit ay maigui rin cun siya,i, malacas ó matabang totoo; n~guni cun mahina ó maramdamin ang babayi, ó lauon nang panahong siya,i, marahil daanan nang suba, ay hindi sucat sangrahan. Magaling namang doonan sa talampacan nang tig-isang bato ó ladrillong mainit, at cuscusin nang malacas nang mainit na damit ang caniyang paa hangan tuhod, ang camay, sampon nang tiyan.

Magaling ding budburan nang color na mapula, na guinagamit nang man~ga pintor; datapoua ang lalong madali sa lahat, ay tudluquin nang carayom yaon man~ga lintog ó butil nang culebra sa dacong ilalim nang butil, at ang tubig na lungmalabas, ay pahiran nang isang tuyong damit. Ang man~ga tapal na may taba ay hindi sucat gamitin dito sa saquit na ito.

N~guni't ang pulubi'y umurong sandali; hinubad ang damit at noon nawari, na siya'y si Osong ¡laking pagkamangha; lahat ay nan~gimi at yaon ang giliw n~g babaing sawi! «¡Ikaw na matanda na sakim sa yaman, uhaw sa tungkulin at sabik sa dan~gal, na nan~gan~galakal n~g puri n~g supling ang dapat mamatay at di akong dukhang inyong inagawan!...»

Minahal sa guinto, diamante at perlas yaong caruc-haan, cilicio at hirap mahalagang damit lubos na hinamac pinili ang lalong magaspang, magalas. Nacaliligaya sa isipin lamang yaong sa dalagang doo,i, pamumuhay ualang ini-iisip sa gabi at arao cundi ang maglingcod cay Cristo,t, gumalang.

Bucod sa calinisan at cahusayang hinihin~gi, ay cailan~gan din naman ang pagbabagay-bagay sapagca,t, napatataua ang hindi marunong magucol ucol nang damit, na caparis nang lucsa na sa pula; gayon din naman ang pagsasalit nang may halagang cayo sa duc ha at abang damit. Cun ang pananamit na di nagcacabagay-bagay ay nacatataua, ang pananamit na mahalay ay nacasusuclam at nacaririmarim.

Ang damit, n~g m~ga lalaki ay bahag lamang sa m~ga balakang at ang sa m~ga babae ay tapi na mula sa baywang hangang sa tuhod. Ang dinadamit ay kayo kung mayroon, datapua't karaniwa'y balat n~g kahoy. Ang karaniwang kagayakan ay sarisari. Gumagamit n~g kawayang suklay na may gayak na pakpak na sarisaring kulay. Nagsisigamit din n~g hikaw, bitones, pirapirasong salamin at iba pa na gaya rin nito.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap