United States or Papua New Guinea ? Vote for the TOP Country of the Week !


Macapaghaharap din naman n~g ano mang panucala tungcol sa cautusan; n~guni't ito'y gagauing palagui sa Presidente n~g República na siyang magpapadalá sa Kapisanan cun minamagaling niya. Sa m~ga pagpupulong at sa iba pang nauucol sa pamamahala at cahusayan sa loob ay susundin ang m~ga Tagobiling cathain nito ring Tanun~gan.

Ibibilin nang cautusan ang paraan nang madaling paggaua n~g pagpapaluag na ito at gayon din naman ang man~ga quinacailan~gan upang lapatan n~g mabilis na parusa ang man~ga nagsigaua nang di nadadapat na pagpiit ó pagbibilango.

Ang man~ga taga ibang lupa ay macatatayo cailan ma't ibig nila sa lupang nasasacop nitong Capuluan, at macapaghahauac n~g hanap-buhay ó ano mang catungculan na hindi hinihin~gan nang man~ga cautusan n~g catibayang galing sa may man~ga capangyarihan dito sa Pilipinas.

Itatadhana n~g m~ga cautusan ang pagcacasunodsunod n~g m~ga paraan at pag uusisang dapat gauin sa m~ga usapin sa boong nasasacop n~g República, at ang panununtunan ay ang camunting sabi at ang caliuanagan at lilipulin yaong man~ga gauing luma na ualang quinauuculan cundi ang mag acsayá n~g m~ga papel at ang pahabain mag parating man saan ang m~ga casulatang usap.

Ang man~ga pacaná nang Kapisanan ay may bagsic nang cautusan, n~guni't hindi pa dapat sundin cun hindi pa ilinalat-hala yaon nang Presidente. Sa man~ga pagpupulong at iba pang nauucol sa panihala at cahusayan sa loob nitong Kapisanan ay ang susundin ay ang man~ga Tagobiling caniyang quinathá.

Salita Ng Araw

ginang

Ang iba ay Naghahanap