United States or Jordan ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Oo, tanggapin mo, pinsan; sunuguin mong lahát!-ani capitana Tinchang; nárito ang m~ga susì, nárito ang m~ga sulat ni capitang Tiago, ¡sunuguin mong lahát! Huwag ca sanang mag-iiwan n~g anó mang pamahayagang galing sa Europa, sa pagcá't totoong nacapagbibigay pan~ganib. Nárito itong m~ga The Times na aking iniin~gata't n~g mapagbalutan n~g m~ga sabón at n~g m~ga damít. Nárito ang m~ga libro.
Datapuwa't gayón man, ang dugtóng ni hermana Rufa, hindî dapat limuting isang malaking casalanan ang magbuhat n~g camáy sa isang taong "sagrado." ¡Lalò n~g "sagrado" ang pagmamalasakit sa capurihán n~g namatáy na m~ga magugúlang! ang itinútol ni capitana Maria. ¡Waláng macapagwáwalang galang sa canilang santong capurihán, cahì man ang Papa, at lalò n~g hindî si párì Damaso!
Ay, cacatuwâ namang totoo ang m~ga caisipan pala ninyo! ang bíglang sinabi ni capitana Tinay, na pinagduduop ang m~ga camay; ¡tila mandin hindî ninyo pinaghirapan ang pan~gan~ganac sa inyong cambal na m~ga anac, na lalaki!
Hindi pa nasiyahan si capitana Tinchang sa canyáng pagwawaguíng itó'y pinacsáng siyá'y papangguipuspusín, caya't sa canyá'y lumapit na nacasuntoc.