United States or Malawi ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa dahilang sila'y ang balang ibiguin ualang caliuaga't mangyayaring tambing, ang Anác mong iya'y cung ibig patain ualang kisap matang búhay ay makitil. Cung ibiguin niya naman ang mabuhay mangyayari cung caniyang calooban, at tunay na siya ay may carapatan caya n~ga dapat mong sampalatayanan.
Lin~gapin mo na po't iyong isangalang sa hucbong maban~gis na aming caauay, taos sa pusò co na inaasahan ang mahal mong graciang aming macacamtan. Mabalino ca po't iyong timauain ang napipipilang calagayan namin, yamang sa dunong mo'y ang balang ibiguin ualang caliuaga't mangyayaring tambing.