United States or Angola ? Vote for the TOP Country of the Week !
Itó ang nakikita n~g culang palad sa canyáng harapán. Nan~gamatáy ang m~ga ílaw n~g catapát na báhay, humintô ang músìca at ang cain~gayan, n~guni't náririnig pa ni Ibarra ang cahapishapis na sigáw n~g canyáng amá, na hinahanap ang canyáng anác sa canyáng catapusáng horas.
M~ga pagpaparoo't parito, m~ga sigawan, m~ga in~gayan sa pagtataca, m~ga halakhacan, isáng huli na sa panahóng "buscapié", isang "reventador" ang siyang nan~gagdáragdag n~g cain~gayan.