United States or Egypt ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang man~ga desmayong sungmusunod sa pag-iilaguin, ó sa pagsuca nang marami, ó sa paglabas n~g maraming dugo ay isa rin nang desmayong dala nang cahinaan nang catauan, na sinaysay co na sa párrafo 442; at sa apat na magcasumonod doon. Ang mayroong sibol sa loob nang catauan ay malimit subaan. Ang suca,i, maigui roon; datapoua marahil mamatay sa oras na yaon.

Ang parapit sa batoc, sa licoran nang tain~ga, ó sa ibang lugar nang catauan ay maiguirin. Cun minsan ang dahilan nang saquit nang n~gipin ay ang cahinaan nang sicmura; ang bagay dito ay ang polvos sa número 14. Cun ang saquit nang n~gipin ay casama nang ibang saquit, pagca gamuti,t, mauala itong isa, ay macucuha tuloy pati nang sa n~giping saquit.

Ang gagauin sa tauong sinusubaan, lalaqui ma,t, babayi man, dahil sa cahinaan nang catauan, para nang man~ga babaying nan~gan~ganac, ó dahil sa nahanaan nang gutom, ó nang pagbabalin~goyn~goy, ó pag-iilaguin nang malacas, ó dahil sa pinurga ó pinasuca nang matapang na pamurga ó pasuca, ó dahilan sa man~ga maruming nadoroon sa sicmura.

Datapoua cun baga ang bata caya tila patay dahil sa cahinaan nang caniyang catauan, ay ang man~ga turo sa párrafo 466 siya ang sundin; at bucod doo,i, ilalapit lapit sa apoy ang bata.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap