United States or Hungary ? Vote for the TOP Country of the Week !
Iba naman ang m~ga panucala n~g m~ga babae. ¡Ay! ang buntóng hinin~ga n~g isáng babae na ang anyó'y mabait; ¡cailán ma'y ganyán ang m~ga cabataan! Cung nabubuhay ang canyang mabait na ina'y ¿anong sasabihin? ¡Ay, Dios!
Si doña Victorinang pinagdaanan na n~g una, pan~galawa, pan~gatlo at pang-apat na cabataan sa paglaladlad n~g canyáng m~ga lambat upang mahuli sa dagat n~g daigdíg ang bagay na adhica n~g canyáng m~ga hindi pagcacatulog, sa cawacasa'y napilitang sumang-ayon sa ibig n~g capalarang sa canya'y ipagcaloob.
Salví na wari'y nag-wáwalang anó man sa masayáng lúpon n~g m~ga cabatâan. Pinapahid ni María Clara ang isang lúha sa catuwâan. Humintô n~g magcágayon ang tawanan at napipí ang salit