United States or Germany ? Vote for the TOP Country of the Week !
Si Mikhail ay tingin ng tingin. Agad napangiting masaya. Anong ikinatatawa mo? ang tanong ng barini . Pag-ingatan mo, na ang mga bota ay iyong mayari sa takdang panahon. Si Mikhail ay sumagot: Mangyari, kailanman at kailanganin. Mangyari, ang bigkas ng barini na sabay isinuot ang balabal.
Sa dungawan ay nakita ang alila ng barini , na nagtatali ng kanyang kabayo sa pintuan. Pinagbuksan ni Semel at ang alila ay patang-pata sa pagod. Magandang gabi po, suki. Magandang gabi rin pu naman. Anong nangyayari? Inutusan pu ako ng asawa ng barini upang kunin ang mga bota. Ang mga bota? Opo, hindi na pu kailangan ng barini ; hindi na pu niya maisusuot.
Tinignan niya si Mikhail, kanyang siniko at itinanong kung maaaring tanggapin o hindi. Tinanguan siya ni Mikhail, at tinanggap ni Semel na nangako na kanyang gagawing mga bota na hindi masisira o mapapahiwid man lamang sa loob ng isang taon. Tinawag ng barini ang alila.
Nuon nga'y napangiti ka at sumigla ang iyong kalooban. Saka ng pumarito ang barini , na magpasadya ng mga bota ay napangiti kang muli at lalong sumigla ang iyong kalooban, at ngayong dalhin dito ng babaing ito ang mga bata ay napangiti kang makaitlo at nagliwanag ang iyong mukha. Sabihin mo sa akin, Mikhail. Bakit sumisilang sa iyo itong dalisay na liwanag at bakit ka ngumiting makaitlo?
Salita Ng Araw