United States or French Guiana ? Vote for the TOP Country of the Week !
Bago idaos ang halalan n~g m~ga magsisibuo n~g tinurang Pamahalaan ay ipinatalastas ni Bonifacio na, anoman ang kalabasan, ay kaniang igagalang. Ginawa ang halalan at ang kinalabasan ay itó: Emilio Aguinaldo, Pan~gulo; Mariano Trias, Ikalawang-pan~gulo; Pan~gulong hukbo, Artemio Ricarte; Taga-Pamatnugot n~g Digma, Emiliano Riego de Dios; at si Bonifacio ay Director del Departamento del Interior.
Bukod sa rito, si Bonifacio, ay talagang may sapat na talino sa paglikha n~g m~ga paraan na sukat makahikayat sa tao. Ipinasya niyá na sa tuwing magpupulong ang m~ga "balan~gay", ay buklatin ang kasaysayang batbat n~g hirap n~g Pilipinas at sa ganito'y paalalahanan ang m~ga kapatid sa kaabaan n~g katayuan n~g lupang-sarili.