United States or Madagascar ? Vote for the TOP Country of the Week !


At cun malaqui pa ang lagnat niya nang masangrahan na ay paiinumin touing oras nang isang cuchara nang bilin sa número 10, hangan umunti ang lagnat; at pagca munti na ang lagnat, ay houag limitan itong pagpapainom sa caniya nang bilin sa número 10; at siya na ang minsang painumin noon, touing icatlong oras, ó macaualo sa isang arao. Cun binabalin~goyn~goy ang maysaquit, ay maigui sa caniya yaon.

Datapoua cun napaparami ang dugo, ó totoong limit nang paglabas, ay sundin ang turo sa párrafo 316. Ang gagauin sa binabalin~goyn~goy.

Cun mayroong salitre ay ang isang dampot nang dalauang daliri at ang isang cucharang suca, ay isama sa isang tazang tubig, at ipaiinom sa binabalin~gon~goy; ito,i, gagauin touing calahating oras. Bihirang maysaquit ang hindi gunggmaling, ani Buchan, pagca ibabad, ó basain nang basain nang malamig na tubig ang caniyang punong catauan.

Ang binabalin~goyn~goy ay hindi sucat quibuin ang caniyang catauan, at cun siya,i, malimit magcasaquit nang gayon, masamang cumain n~g marami cun gabi; hindi sucat uminom nang alac, ó cumain nang man~ga mahahanghang ó maiinit. Bagay sa caniya ang pag-inom nang malimit nang bilin sa número 2, ó nang timbang sa icaualong salitre touing hapon.

Cun minsa,i, binabalin~goyn~goy ang maysaquit na ito,i, magaling sa caniya; caya houag ampatin ang dugo, at tatahan siyang cusa. Cun minsan naman nag-iilaguin ang maysaquit, na ang lungmalabas ay madilao; datapoua hindi masama ito.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap