United States or Honduras ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pagkatapos na pagkayarian ang bigay-kaya ó bugey ay ipinagdidiwan ang pag-aasawa. Ang pagdidiwan namang ito ay naaayon sa kalagayan n~g magaasawa. Ang maginoo kung ibig mag-asawa sa kauri ay nagpapasugo n~g m~ga maharlika ó timawa upang siyang lumakad n~g pag-aasawa niya.
Kung ang lalaki ang humiwalay, maging sa pag-aasawa sa iba ó hindi man at hindi kalooban n~g babae ay walang matuid ang lalaki na bumawi n~g bigay-kayang ibinigay niya ayon sa salaysay ni P. Colin; n~guni't ani P. Placencia ay isinasauli ang kalahati n~g bigay-kaya.