United States or Caribbean Netherlands ? Vote for the TOP Country of the Week !


At gayon ding hihirang sa tatlong iharap sa caniya n~g Sanguniang bayan n~g gagauing Punong bayan na cacatauanin niya sa baua't bayan. Upang mabilang sa m~ga ihaharap ay quinacailan~gang nagdaan sa pagca matandá ó Pan~gulo at di napapintas sa ugali. Ang m~ga Pan~gulo na siyang catiuala n~g Punong bayan sa bauat nayon ay ihahalal n~g Punong cabayanan sa m~ga mapili n~g umaambag na may carapatán.

Sa iyong baya'y huag cang cumilala sa capangyarihan nino mang tauo na hindi palagay ninyong magcacababayan, sa pagca't ang boong capangyariha'y sa Dios ang mumula at ang Dios ay sa consiensia n~g bauat tauo nan~gun~gusap; caya't ang sino mang ituro at ihalal n~g man~ga consiensia n~g lahat na mamamayan ang siya lamang macapagtataglay n~g uagas na capangyarihan. Icaualó.

At lulutasin ang pulong pag nabiguian ang m~ga nahalal n~g tig-isang salin n~g casulatang guinaua, sa may pilma nang Tribunal sa bauat salin, at matitira ang sinalinan sa Archibo ó Tagoan nang man~ga casulatan nang bayan. Upang mahalal ang sino man namamayan quinacailan~gang malicom niya ang mahiguit sa calahati n~g man~ga botos.

Pan~gan~galagaan din naman nang m~ga Sanguniang cabayanan na sa bauat cabayanan ay magcaroon man lamang nang isang Colegio ó Aralán na magturo nang mataas na aral at nang isang limbagan, hindi lamang upang maquilala n~g lahat ang m~ga pacaná nang napupunoan, cundi naman upang macalat sa paraang itong mabisa ang pagcabucas nang isip at iba pang pagcaquilalang paquiquinaban~gan sa sariling pamumuhay n~g m~ga tauo at cagalin~gan nang lahat.

Salita Ng Araw

maglalasing

Ang iba ay Naghahanap