United States or Saint Martin ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sinabayan muna n~g mestisa ang pagtagay n~g valdepeñas ni Tirso bago muling ipinagpatuloy ang lihim na pagduduklay sa sarili n~g ganito: Ang ginawa n~g pari sa hihigan ni Teang na natutop ni manang Magda sa tahanan ni tia Basilia ay mabuting ipaghintay ko na muna n~g ibang pagkakataon para ibalita sa kanya sa ayos na magalin~gin ko.

At ¿hindi kaya naman napakinggan n~g manang ang n~galan ni Teang na nababanggit sa kanyang tula? ¿At ano kaya ang palapalagay n~g matandang ito sa tulang yaong bunga n~g pangarap? Paglabas mo rito ay sa aming bahay kayo magtitira. ang makasandali'y narinig na naman ni Tirsong sinasabi ni donya Basilia.

Si donya Basilia man nama'y natitilihan din n~g gayon na lamang, sa dahilang hindi niya maubos liripin sa sarili kung ano't itong lalaking sinasabing asawa ni Elsa ay siya pa namang ipinagibang kilos n~g mabait na babaeng kanyang inaanak sa namamalas n~g mestisang iyong dapat sanang masakita't magubos n~g kaya sa paguusig. At si Elsa naman, sa kanyang sarili, ay lalo nang may malaking ipinagiba.

N~guni't linawin mo, Elsa: ¿hindi n~ga ba iyan ang nakagustuhan ni Teang na sinasabi mo? Sa palad po n~g tao, tia, ay Tadhana lamang ang nakapangyayari. Niloloob po n~g Tadhanang iyan na siya ang aking maging kapalaran.... Si donya Basilia ay natilihan at hindi na nakahuma.

Si donya Basilia nama'y nagkibit lamang n~g balikat sa halip na tumugon. Hinihintayhintay niyang ang pamangking mestisa ang magpakilala kay manang Magda. N~guni't ang lahat ay parang gumagalang sa kahimbin~gang kinapapalautan n~g makatang nararatay. At halos walang ibig na magbuka n~g bibig.

Gayon ma'y patuloy rin kay Elsa ang kanyang balak; sa bahay n~g kanyang tia Basilia sa San Lazaro patutun~go upang doon, manggising man, ay wala siyang sukat ipan~gilag at masasabi na niyang siya'y hindi muna makauuwi sa Pasay pagka't nagtanan na sila n~g kanyang kairugang lalaki.

Walang ulikulik n~gang tumawag sa bahay ni donya Basilia ang mestisang pawang kasinun~galingan ang laman n~g ulo nang m~ga sandaling iyon n~g pakikipaglamay sa kasun~gitan n~g gabi. At pagbubukas n~g pinto n~g kanyang ale, ito'y kaagad niyang hinagkan sa kamay, tanda n~g paggalang. N~guni't ang maybahay ang unang nagsalita sa patakang tanong: ¿Elsa, bakit?

Subali't ... ¿bakit kaya baga't napagmasdan nilang may n~giting gumuhit sa labing maputla n~g lalaking yaon? ¿Nakagising kaya o nananaginip? Lumapit si Elsa sa dakong ulunan, at saka tumawag: Tirso.... Dapwa't ang lalaki ay hindi sumagot, ¿Sinong Tirso iyan? ang di napigilang usisa n~g manang kay donya Basilia, pagkarinig sa pan~galang iyon.

Huwag kayong pakain~gay at maririnig kayo, ang papikpik namang saway ni donya Basilia, at pinapagkubli muna sa isang silid ang maghipag na naguusap samantalang nasa isa pang silid si manang Magda at abalangabala sa pagbibihis. ¡Akala nami'y kung napaano ka na! ang nasabi pa n~g mapagalaalang hipag. ¡Patawarin sana ninyo ako, Dioni! ... pakumbaba pang sagot n~g mestisa.

Ako'y hindi mangyayaring makagalitan n~g aking tia Basilia, ang kanyang pinagpaparoonan sa gagawin, kahi't ano ang aking gawi'y maipagpaparaya niya't ipagtatanggol pa ako sa harap n~g aking kapatid na walang salang magagalit sa akin.

Salita Ng Araw

pinag-uusisa

Ang iba ay Naghahanap