United States or Malawi ? Vote for the TOP Country of the Week !


¡¡Magtiis tayong lahat!! ang sigaw n~g lalong marami. Salamat, m~ga kapatid: ang patuloy pa ni Mauro Kung gayon mula sa araw na ito, buhat sa m~ga sandaling ito, ang sandata nating m~ga manggagawa na dili iba't ang aklasan, ay gagamitin, upang huwag na muling isalong kundi kung tamuhin na ang ganap na tagumpay. ¡Magpakatatag tayong lahat! At huwag nawang samakanino man sa atin ang pagtataksil.

Mga kasama: ¿sa inyo bagang sinabi at iniaamuki sa akin ay nalalaman ninyong may isang mahalagang bagay na napapagitna? , nalaláman namin ani Pablo. ¿Alin? Ang aklasan. Kung gayo't nalaláman ninyo, ay ¿anong m~ga matwid ang mailalahad ninyo sa akin upang kayo'y ayunan ko? Ang sarili mo ring kagalin~gan ang nakan~giting tugón pa ni Pablo.

At, ang m~ga pulés, na buhat pa sa unang araw n~g aklasan ay tumatanod sa pagawaan, sa kahilin~gan n~g m~ga may-ari, ay naroón pa rin at di nagsisialis. Sa may dulaang Rizal, pook na pinagtitipunan, ay nan~garoon ang m~ga nagsiaklás. Ang lahat ay nakatin~gin sa maluwang na pinto n~g pagawaan, at pinagmamasdan ang m~ga lumalabas at pumapasok.

Sa kapahintulutan n~g may-ari n~g dulaang Rizal, ito ay siyang pinagkayarian ding maging "Cuartel General" n~g m~ga nagsiaklas. Ang Lupon sa aklasan, noon din ay napatun~go sa Kawanihan n~g Paggawa, upang ipagbigay alam ang m~ga nangyari.

M~ga manggagawang gaya ni Pablo ay marami pa at di hamak na malilipol sa Pilipinas. =Tatlong= araw ang lumipas buhat sa huling m~ga pangyayari. Ang aklasan ay patuloy, at ang pagawaan ay hindi pa rin pinapasukan n~g sino mang manggagawang tabakero.

Nang mamalas ni Pablo ang gayong di pagtugon n~g kanyang kausap ay nagpatuloy: Tingnan mo anya ¿ano ang mapapala mo sakali't magpatuloy ka sa kalagayang taglay mo n~gayon? ¿Inaasahan mo baga, na kayo'y magtatagumpay sa aklasan? Inaakala kong hindi, at nasabi ko na n~ga sa iyo ang sinabi sa akin n~g Tagapamahala sa Pagawaan. Titikisin daw niya at susubukan kung hanggang saan aabot ang inyong lakás.

At ang ilan sa kanila ay boong n~gitn~git na sumasaksi sa gayong pagkapariwara n~g aklasan, dahil sa pagtataksil n~g m~ga kapatid din nila; subali't ang lalong marami ay waring nan~gaiinggit na sa nagsisipasok.

Susubukan namin kung hanggang saan aabot ang kanilang pagmamatigás; magpatuloy sila sa kanilang aklasan at tingnan ko lamang kung di sila mamatay sa gutom. Dahil sa bagay na iyan ay ipinatawag kita, at ang ibig ko, sampu rin naman nila, na pawang m~ga mamumuhunan sa pagawaang ito at sabay na itinuro ang m~ga kaharap ay gumawa ka rito, at tuloy humanap ka n~g ibang magiging kasama. Ako po'y ...

At ang aklasan mula noon ay napagtibay. Ang Lupong sinugo sa pakikipagusap sa m~ga mamumuhunan ay siya na ring pinagkaisahang maging palaging Lupon sa aklasan. Masisiglang gayon na lamang ang lahat na noon ay naghiwahiwalay, na taglay sa puso n~g bawa't isá, ang malaking pananalig sa kadakilaan n~g kanilang ipakikipaglaban.

Huminahon ka, Mauro, at ikaw, sa m~ga nangyayaring iyan, munti man ay walang sala; hindi ka masisisi n~g sinoman, pagka't ikaw sa iyong sarili ay walang magagawa. Kung sa bagay, Serafina; datapwa't di ko lubos na dinaramdam ang magiging palad n~g aklasan namin n~gayon kung matalo man, kundi ang magiging palad n~g m~ga darating na kilusán.

Salita Ng Araw

palomo

Ang iba ay Naghahanap