United States or Taiwan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Kung gabi at ako'y nahihilig na sa hihigan, sa piling ng minamahal kong ama, ay lagi akong balisa, napipikit man ang mga mata ko'y gising din ang aking diwa. At ilan pang araw na gayon ang aking dinanas. Kami ng Nanay ko'y naparoon sa lalawigan ng hindi ako nakapagpaalam sa iyo. Sa aming paglalakbay ay wala akong nakasama liban sa pighati.

Si Semel ay bumating may pagkamangha sa barini . Kailanman ay di siya nakakita ng taong gaya niyaon. Si Semel ay natigilan, si Mikhail ay walang imik; si Matrena ay naging parang isang tuyong punong kahoy. Ang taong yaon ay masasabing parang galing sa ibang mundo; ang kanyang pagmumukhang malaki at mabilog at ang kanyang leeg-toro ay nakapaglalarawan sa kanya ng isang kakaibang taba.

Bakit sa harap ng halakhakang yaon ay hindi siya makipagngitian? Kaya sa ganyang anyu ng binata ay may isang kaibigang lumapit sa kanya at sinabing: Eduardo, waring ang loob mo ngayon ay nagiging matamlay? Bakit, bakit ang mga sandaling paris nito ay iyong pinararaang tila ba walang kabuluhan? Pako, hwag mong pagaalahanin ang ganito para sa akin. Walang anoman Pako.

NACATIGHÁO. "Natitighaw" sa "Kun sino,.." at kay P. Sayo naman ay "katitighaw". NAGDALAMHATI. Sa "Kun sino ..." ay "nagpipighati". BAGONG. Sa iba ay "boong" ang nakalagay. GUBA,T, ... Maliwanag na kamalian ng limbagan. Dapat basahing "gúbat".

Kailangan lamang ang isang mahigpit na pagsusuri at mahigpit na pagsisiyasat. Kailangang makuha sa mga pook ding malapit doon. Kailangang paghanaping mabuti, kailangan ang mahigpit na paguusig sa may kasalanan. Kailangang pagusigin, ang nakapagbigay gulong yaon sa katahimikan ng mga tao. Kailangan ang lahat ng ito. At, hindi maaring ipaggayon gayon lamang ang pangyayaring ito.

Sampung minuto pa ang dumaan bago ka lumabas sa pinto ng inyong bahay na dala mo ang iyong mga aklat. Dalidali akong nanaog at hindi mo naino na sinundan kita hanggang makarating ka sa paaralan. Sa tanghali'y binantayan kita sa aming bintana hanggang makapasok ka sa inyong pintuan. Gumabi. Maliwanag din ang buwan.

"Súlong na, maaabála ka lang sa akin," ang patúloy ng binibinì na may kahálong wari'y hinampó. "Patáwad, Elíng!... Binibirò lang kita.... Huwág mong damdamín ang áking pagkukúlang... at sasabíhin ko na sa iyóng lahat!" Isang ngitî, isang ngiting malambíng na 'kapilas ng langit' ang nagpahiwátig kay Gerardo na ang pinangambahán niyang nagtampó ngang túnay, ay nagtamputampúhan palâ lang. "Anó iyon?

Ang pagasa niya noong una, na, kanyang makikita agad ang iniibig ay parang isang pangarap lamang. Oo, pangarap lamang pala! Kay dami daming tao ng Maynila! Saan mo nga naman matitiyak makita agad ang isang Eduardo? Saan niya hahanapin? Pangit para sa kalooban ni Leoning ang siya ay magsadya sa tahanan ng isang binata. Nais niyang sukat na lamang ang sila ay magkita sa isang pagkakataon.

Ang laquí sa layao caraniua,i, hubád sa bait at muni,t, sa hatol ay salát, masacláp na bún~ga ng malíng paglin~gap, habág n~g magulang sa irog na anác. Sa taguríng bunsót, licóng pag mamahál ang isinasama n~g báta,i, nunucál ang iba,i, marahil sa capabayaan nang dapat magturong tamád na magulang.

Aling bagay pa kaya ang kalungkotlungkot gunitain sa isang damdamin paris ng maulila sa pagiibigan? May masakit pa kaya sa isang pusong may malinis na pagibig paris ng limutin ng kasintahan? May puso kayang makapagtitiis na hindi lumuha dahil sa paglimot ng isang sinanglaan ng wagas na pagibig? Aling puso ng babai na may malinis na pagibig ang hindi maghimutok sa paglimot ng isang irog?

Salita Ng Araw

babayaan

Ang iba ay Naghahanap