United States or Italy ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindî namin masábi cung magsesermón n~gâ ó hindî; datapuwa't inaacala naming m~ga dakílang bagay ang m~ga pinag-íisip-ísip niyá, sa pagcá't hindî man lamang naiabot niyá, ang canyáng camáy cay capitang Tiago, cayá't napilitang yumucód pa itó n~g cauntî upáng hagcán ang camáy na iyón. ¡Santiago! ang únang sinabi niyá may pag-uusapan tayong mahahalagang bagay; tayo na sa iyong oficina.
Natanawan ni María Clara ang mabilog na pan~gan~gatawán ni parì Dámaso sa tabí n~g makisig na tindíg ni parì Sibyla. Hindî cumikilos sa canyáng kinalalagyán ang matalinghaga at mapanglawing si parì Salví. ¡Nalulungcot! ang ipinahiwatig ni Sinang; canyáng pinag-iisip-isip ang canyáng magugugol sa gayóng caraming m~ga panauhín.
Salita Ng Araw