United States or Jamaica ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cayó po'y isáng dalagang totoong matalinò, ang marahang sinabi sa canyá n~g teniente, magalíng pô ang inyóng guinawâ n~g inyóng pagcacábigay n~g sulat ... sa ganyáng paraa'y macaaasa cayóng dalawá sa isáng mapanatag na hinaharap. Nakíta n~g dalagang lumálayô ang teniente na ang m~ga matá'y anyóng na hahalíng at kinacagat ang m~ga labì. Sa cagalin~gang palad ay nagdaan si tía Isabel.