United States or Kuwait ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nag-uica ang ermitaño mangagsi-ouí na cayó magcasundó cayong tatló at huag ding may mag-lilo. Don Juan ay cunin mo na iyang mariquit na jaula, baca di datning buháy pa ang monarcang iyong amá. Bago umalis at nanao ang príncipeng si don Juan, ay lumuhód sa harapan nang ermitañong marangal. Napabendición nga muna at saca sila'i, nalis na, si don Pedro ay nagbadyá cay don Diegong bunso niya.

Mapamaya maya lamang ay naquita ang quinaugitlahang hinabol nang mata, pagdating sa harap niya ay nagbadya «¿Eliseo,i, baquit, at narito ca?» «Salamat, Hortensio, catoto cong liyag at natagpuan mo acong lipos hirap, sa lagay na yari ay humahaguilap nang isang gaya mong may loob na tapat.

Ang mahal na reina naman ay nagbadyá na tumataguistis ang luha sa matá, ¡oh anác cong bunsó princesa Leonila! patauad ang aquin na nagauang sala. Icao aquing bunso,i, sa pinagdanan mo na hirap dálita,i, pauang tiniis co, cahima,t, masucal ang puso,t, loob mo pacalinisin na n~gayon at magbago.

Ano pa nga at nag-laban ang capua lacas, tapang, ang príncipe'i, di tamaán nang serpienteng tampalasan. Ang isang catacá-tacá sa tacsíl at palamara, ang úlo'i, cun mapútol na naniniquit na mulí pa. Nang maguing tatlóng oras na ang canilang pagbabaca, cay don Juan ay nagbadyá ang tacsíl at palamara. Quita ay magpahingaláy nitóng ating pag-lalaban, napa-ayon si don Juan sa serpienteng tampalasan.