United States or French Polynesia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Si Job ay Santo may tacot sa Dios, malayo ang loob sa pag cacasala, at ang Dios ang nag saysay na ualang caparis sa balát nang lupa; ay ang tauong itong ulirán sa cabanalan ang nag saysay nanaquipag tipán sa caniyang man~ga matá, na di itititig sa dalaga dahil sa malaquing tacot na siya,i, mahulog sa calupaan, cun ito,i, Santo na,i, gayon ang pahayag ¿ang babaye pa caya bagang daquila ang carupucán ang maca pag sasabi na di mapapahamac sa palaguing paquiquipag olayao sa lalaqui?

Ang buhay nang tauo dito sa ibabao nang lupa, ay palaguing paquiquipagbaca, caya ihandá ang sandata, houag pasuboc, iubos ang lacás, tapan~gan ang paquiquipag-laban, at catatag capag dating nang digmá. Ang demonio,i, cun tumucsò sa isang may loob sa Dios nang laban sa calinisan, ay di natin sucat na malirip. Palibhasa,i, diyan naquiquita ang carupucán natin, ay diyan ca naman pagpipilitang ihapay.

At yayamang talastas ni Josef ang nasasabi sa Escritura Sagrada, na dumating na ang panahon nang pagparito nang Mesias, na ipan~gan~ganac nang isang Vírgen, ay agad isinaloob na si María ang mapalad na piniling Ina, sapagcat siya ang lalong malinis, at lalong banal sa Vírgenes na lahat, at hindi mapaghihinalaan nang carupucan sa anomang bagay, na laban sa catuiran.

N~guni cun maulila na, ang cabaitang ito na parang isang cutang tangolan nang puri nang isang virgen, cun mapag-isa na,t, ualá nang magtangól, ¿di caya pagpahamacang lusobin nang pan~gahas na loob? Cun magca gayon na,i, ang carupucán nang bata cong loob ¿ay macaaasa cayang macapagtatagumpáy?

Inalintana co, gayon man, ang lahat n~g ito, at acong ama, aco, na siniraan n~g puri sa aking catandaan, aking ipinatawad ang caalimurahan, ipinagpaumanhin co ang casilacbuhan n~g cabataan at ang m~ga carupucan n~g catawang lupa, at sa casiraang iyong hindi na mangyayaring maisauli, ¿ano ang dapat cong gawin cung di ang huwag n~g umimic at iligtas ang nalabi?