United States or Norway ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kung may kaibigan ka sa m~ga dadatnan, ang iyong kasama'y iharap din naman; datapua't huag mong gagawin kailan man, ang di mo kilala'y agad kakamayan. Lalo at marami ay lubha n~gang pan~git na sa bawa't isa ikaw ay lumapit; yukuan mo lamang sila n~g marikit saka mo batiin n~g boong pag-ibig. Ang kasankapan mo'y sakaling batiin, ialay mo agad n~g wikang magiliw.
Sakaling marami ang m~ga panauhin, yukuan mo sila't pagdakay batiin " Magandang gabi po " ang iyong sabihin, saka ang may bahay ay lapitang tambing. Pagdakay iabot ang kanan mong kamay, at ang kamay niya'y upang mahawakan, " ¿Anu po ang atin? Ang inyong may bahay at m~ga kasama ¿anu po ang lagay ?" " Mabuti po naman at walang may sakit, at ¿kayu pu naman?
At sakaling ikaw nama'y may gagawing sandali sa labas, ay iyong sabihin n~g boong pitagan " Ipagpaumanhin pu nila't sandaling sila'y lilisanin ." Sa pagpapa-alam ay iyong magagamit ang m~ga sinabing pag-upo't pagtindig; at kung ikaw naman ang siyang aalis, sila ay yukuan n~g anyong marikit.
Ang alin mang pintong iyong dadaanan, kung datnan mong bukás, bukás mo ring iwan, at kung nakasima, isima mo naman, ito'y siyang turo n~g dakilang asal. Ang kahit sinu man sa m~ga kalikom sa alin mang pinto, ay makasalubong, dagli mong yukuan at saka umurong, at iyong sabihing " Sila po'y magtuloy ."
Salita Ng Araw