United States or Liberia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ako'y may nakikilala Na isang binatang tan~ga, Na ang lahat n~g makita Tinatakhan, nababakla. Lalong lalo kung mamalas m~ga babayeng magigilas, ay nagmamatang bayawak Na asa mo'y isang tungak. Bru: Hindi totoo: Ang sulit Na n~gayon ay kasasambit. Ang babaye'i naninikit Sa binatang makikisig. Ako ay may nalalaman Na m~ga dalagang momay, Na sa boong isang araw, Yao't dito sa lansan~gan.
At kung ang madilim na gabing mapanglaw ay lumaganap na doon sa libin~gan't, tan~ging m~ga patay ang nan~gag lalamay, huwag bagabagin ang katahimikan. Ang kanyang hiwaga'y huwag gambalain: kaipala'y marin~gig doon ang taginting, tunog n~g gitara't salterio'y mag saliw, ako. Báyan, yao't, kita'y aawitin.