United States or Georgia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Bigyán pó ni Bathala n~g magandang gabí ang aking kapitán ang bati n~g buman~gon sa buntón n~g yagít. ¿Anó ang balita, kaibigang Patíng? Kung sa balita po'y marami, n~guni't kakaunti na ang panahón; kung ibig mo pong masunód ang iyóng han~gád ay kailan~gang makarating tayo n~g bayan sa loob n~g isang oras.
Nang makahinto na't maitali ang kabayo sa isang puno ay pinagduop ang dalawang kamay sa labi at ginayahang makaitló ang huni n~g bahaw. Hindi pa man halos napapawi ang tunóg n~g huni'y nagban~gon ang isá katao sa isang buntón n~g yagít na nalalayó n~g may m~ga dalawang pung hakbang ang agwat sa kinatatayuan n~g ating binata.