United States or Turkey ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang buntong hinin~ga na lubhang malalim siyang unang bati't, aniya, n~g magturing, "¡ó Dios co! ¿nasaan? at ¿sinong lumihim yumacap sa aba't hindi na naglining?" Boong sapantaha sa cania'y may yacap yaong Paring caniyang tangulang may atas, aniya, "Padre ¿ito ang loob mong uagas sa aquing Romeong catoto mong tapat?"

¡O pag-sinta'y baquit tag lay mang saguisag ang lumbay sa iyong mahalagang dilag! sigalot at madlang lihim cun di yacap ualang ma-auit sa magui-guing bacas. Bato mong urian: hilahil at hapis cung baga sa guinto n~g pan~gin~gilatis, doon mamamasdan simpan mong pag ibig cung dalisay tapat ó dupoc ang capit.

Voces ni Romeo cahima't narin~gig Julieta'y hindi pa lubos na nanalig, sa caniya ang yacap banayad inalis sa lam-lam n~g ilao qunilalang pilit; At n~g maquilala mahigpit niyacap at pinacahagcan sa tinamóng galác at saca tinanong cung hindi tinangap ang caniya ring lagdá na padalang sulat.

Dan~gan ni Romeo'y ualang taglay baguis lumipad na sana n~g ito'y marin~gig harap n~g asauang lugmoc sa hinágpis, ang luhang nanalong n~g agad napahid. N~g anyong tuparin n~g puso ang yacag at Pari lilisang casabay n~g yacap, ito ang sinabing pan~garal banayad, aniya, "¡ó Romeo dinguin ang pahayag!"

Pagcat cacamunting oras na pag itan Romeo'y pag-inom sa lasong tinuran, siyang pagcaguising ni Julietang hirang sa buhay cunuaring sa lupa'y pumanao; Pagcat halos lamang yacap pinaghigpit n~g dalauang camay cay Julietang ibig, ito,y nagcataong nasaulang isip caya ang pinucao bigla ang caparis.